003 - The Silence Before The Storm

826 21 8
                                    

      

Tanghali na kinabukasan nang magising siya. Lumulusot na ang sikat ng araw sa siwang ng kurtina sa kaniyang silid nang bumangaon at lumabas siya ng kaniyang silid. Una niyang sinilip ang cellphone. There were few missed calls from unidentified number. Mayroon ding ilang mga mensahe mula sa kaniyang ina. Nangungumusta, and wishing him a great, safe day.

           Ibinaba niya ang cellphone pabalik sa coffee table saka dumiretso sa kusina upang mag-brew ng kape at magluto ng brunch. He'd cook the usual; scrambled egg, fried tawilis, and rice. Matapos niyang magsaing ay tinungo na muna niya ang bintana upang ilihis ang kurtina. Ang mataas na sikat ng araw ang bumungad sa kaniya.

           Ala-una ng hapon, sa ibaba ay natatanaw niya ang mga taong naglalakad sa gilid ng kalsada, hawak-hawak ang mga payong nila pangsangga sa init. Tulad ng karaniwan ay traffic na rin sa highway; ang mga jeep at bus ay punuan, ang mga taxi ay pawang may laman. Sigurado siyang hindi lang ang panahon ang mainit sa mga sandaling iyon, kung hindi pati na rin ang ulo ng mga drivers dahil sa sikip ng traffic. He knew how they felt. Of course, he knew.

            Tumambay siya roon sa harap ng bintana ng ilang sandali hanggang sa maramdaman niya ang init na tumatagos sa glass window hanggang sa kaniyang balat. Umatras siya at bumalik sa kusina upang tingnan kung luto na ang sinaing niya.

           Matapos niyang kumain ay naligo siya at muling nahiga sa kaniyang silid. Ibinalik niya ang cord ng telepono sa port niyon at habang nakahiga ay tinawagan niya ang ina. They spoke for a while, nag-usap sila tungkol sa nalalapit na kasal ni Phillian. Matapos iyon ay sinubukan niyang matulog ulit subalit muli namang tumunog ang telepono.

           Napamura siya. Nakalimutan niyang alisin ang cord niyon.

           He grabbed the phone and answered the call.

           "Yes?"

           "I knew it!"

           Nagsalubong ang mga kilay niya nang marinig ang pamilyar na tinig ng babae sa kabilang linya. It was Ronda, one of his friends.

           "I've been sending you DMs but you're not answering any of them. At kapag ganoon ay alam kong araw ng pahinga mo," sabi pa ng nasa kabilang linya.

           "Kilalang-kilala mo talaga ako, ano?"

           "Of course, we have been tumbling in bed for a year now. Kapag nagpapahinga ka'y hindi ka nagbubukas ng cellphone mo. Lucky I have your landline. So... you're free tonight?"

           "Wala akong planong lumabas, Ronda."

           "I know, kaya nga handa akong bisitahin ka riyan sa apartment mo ngayong gabi. How about I bring us some red wine? O kung gusto mo ng mas hard pa riyan, how about some Jameson whisky?"

           Doon na siya napangiti, bumangon at sumandal sa headboard ng kama. "Alam mong hindi ako nagdadala ng babae sa apartment ko, Ronda, baby."

           "Kahit ngayon lang? Come on, last month pa tayo huling nagkita, Lance. I understand you have other 'playmates', but can't you give this desperate woman a chance?"

           Bahaw siyang natawa sa huwad na pagda-drama nito. "Stop being cute, baka pagbigyan kita."

           "Sige na kasi. Three days from now ay lilipad na ako papuntang London para sa bagong job opportunity. I won't be seeing you in years, maybe forever."

           "London?" Nahawi ang ngiti sa kaniyang mga labi.

           "Yeah." Sinundan iyon ni Ronda ng mahabang buntonghininga. "Ipadadala ako ng kompanya roon matapos nila akong i-promote. I mean, sino ako para tumanggi? Kaya nga gusto kitang makita kahit sa huling pagkakataon. I wanted to... you know, at least have a one last taste of Cerlance Zodiac before I leave."

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Where stories live. Discover now