045 - Heads

511 12 0
                                    


~ This chapter contains explicit language which may be offensive to some readers.

Reader discretion is advised~


      "BAKIT GANIYAN ANG MUKHA MO?" tanong ni Cerlance nang makapasok siya sa kotse.

      Naupo siya sa front seat at inabot ang cellphone pabalik dito. Napatitig ito sa mukha niya at nakita mula roon ang pagkailang.

      Bakit hindi siya maiilang, eh kung ano-ano ang mga sinabi ni Ivan sa kaniya bagyo ito nagpaalam.

      "He's driving me crazy," she remembered telling Ivan.

      "I would, too, if I were you! Nakakainis ka! Hindi ka naman sobrang maganda pero nakukuha mo ang mga A-grade na lalaki! Hmp!"

      Umikot paitaas ang mga mata niya. "It's not about the beauty, Ivana. Kahit maganda ang isang babae kung boring naman ang character ay wala rin."

      "Well, go get him! Nasaan na kayo ngayon?"

      "We are in Danao—"

      "No, I mean... nasa harap ba kayo ng hotel o nasa daan pa rin? May naririnig akong ingay sa paligid."

      "That's because we are on the side of the road—at hinihintay na ako ni Cerlance sa kotse."

      Ivan giggled on the other line. "Alam kong konsintidora akong friend, at alam kong mali itong sasabihin ko, pero mas maigi na itong naglalaro ka nang ganito kaysa ilugmok mo ang sarili mo sa walang'ya mong ex. Pero... if I were you, Shellany Marco, I'd start flirting with that hot driver until he wouldn't let me go. Ibibigay ko ang best ko para hindi niya ako kalimutan at hanggang sa mabuang siya sa akin. It's always better na mas baliw ang lalaki sa'yo than the other way around, 'no."

      "I don't think na mababaliw sa akin ang lalaking iyon, Ivana. He is reserved, and he blatantly told me na hindi siya nakikipag-relasyon nang seryoso sa mga babae. At tama ka, ang totoong kaibigan ay hindi sasabihin ang mga sinabi mo, gaga ka."

      "Well, that means nakikipag-plastikan lang talaga ako sa'yo at hindi kita mahal bilang kaibigan."

      She smiled at Ivan's sarcastic tone.

      "Pero sabi ko nga, mas maigi na 'yang nakikipaglaro ka sa lalaking iyan kaysa ang umiyak ka at magpakalasing sa walang itlog mong ex. But make sure, Shellany, na hindi mo iiyakan itong Cerlance Zodiac na ito. Dahil kapag nangyari iyon ay sasabunutan talaga kita hanggang sa ma-kalbo ka!"

      "I know! H'wag kang mag-alala at hindi ko naman sine-seryoso itong lalaking ito. We both know the score—we both just wanted to have fun, no strings attached."

      "Tse! No strings attached ka r'yan, eh halos lahat ng alam kong may ganiyang drama ay nahulog din sa isa't isa bandang huli! Kahit sa mga movies and books ay ganiyan ang nangyayari, aba? Imposibleng walang feelings na ma-develop sa pakikipag-plokplokan, Shellany. Kaya h'wag mo nga akong bidahan sa pa-no strings attached mo na 'yan. H'wag ako!"

      She smiled at Ivan's preaching. "This is what I missed about you, Ivana. Ang mga sermon mo."

      "Don't digress, Shellany. Pinapaalahanan kita na mag-ingat ka. Dahil kung hindi ka mag-iingat, tatlong bagay ang makukuha mo pagkatapos nitong kalokohan mo."

      "Tatlong bagay?"

      "Sakit, wasak na puso, o anak! Pili ka sa tatlo—pwede ring all of the above."

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu