011 - Babysitter

589 17 3
                                    


Napangiwi si Shellany nang makapasok sa silid na ni-book nila sa gabing iyon. Maliit lang at amoy yosi pa. May banyo pero walang shower. Ang naroon ay isang kulay asul na balde at kulay puti—o dirty white—na tabo. In fairness, kahit amoy smoking area ang silid ay malinis naman, including the restroom na naligo pa yata sa bleach sa tapang ng amoy niyon.

Ang bed sheets sa dalawang pinaghiwalay na kama ay malinis at bago. She could tell, because the sheets smelt like laundry soap. May isang telepono sa side table na pumapagitna sa dalawang kama, at may maliit na flat screen TV sa harap.

Mayroong maliit na porch ang silid na iyon— a small space before entering the actual room. Doon madalas iniiwan ng mga staff ang mga orders tulad ng pagkain at inumin. Ginawa iyon upang hindi magkaroon ng direct interaction ang mga staff at occupants.

Well, kung isang gabi lang naman silang mananatili roon ay walang problema sa kaniya. This would do.

"Narito ang mga gamit mo."

Napalingon siya sa pinto nang marinig ang tinig ni Cerlance. Hila-hila nito papasok ang isa sa dalawang maleta niya kung saan naroon ang ilan niyang mga gamit.

"Pakilagay na lang sa..." Nahinto siya nang ilapag nito sa ibabaw ng kama ang maleta saka ipinatong naman sa ibabaw niyon ang isang menu.

"Pumili ka ng gusto mong kainin dito at gamitin mo ang telepono riyan para um-order. Dial 1 and it will direct you to the kitchen staff. Pwede mo ring gamitin ang teleponong 'yan para tawagan ang kaibigan mo. The operator will dial your friend's number and will connect your lines. Of course may additional charge 'yon, at ikaw ang magbabayad."

Napamaang siya nang tumalikod ito at humakbang pabalik sa pinto. Tila ba ito nagmamadaling makaalis doon.

"Saan ka pupunta? Hindi ka ba magpapahinga?"

Ang akmang pagbukas ni Cerlance sa pinto ay naudlot nang marinig ang sinabi niya. He looked over his shoulder and answered,

"Sa kotse ako matutulog. Kakatukin kita bukas ng umaga, around 6:00 AM, para makiligo. Until then." And just like that, Cerlance opened the door and left her.

Kibit-balikat lang ang inisagot niya bago siya lumapit sa kama at hinablot ang menu na ipinatong nito sa ibabaw ng maleta niya saka naghanap ng makakain. At habang hinihintay niya ang pagsagot ng operator sa kabilang linya ay patuloy siya sa pag-flip ng page ng menu, hanggang sa makita niya ang listahan ng mga alak na ino-offer ng motel.

And that, somehow, made her smile.

*

*

*

Pasado alas seis na at ilang beses nang nagpabalik-balik si Cerlance sa silid ni Shellany subalit wala pa rin itong narinig mula sa dalaga. Malalakas na katok na ang ginawa nito pero hindi pa rin pinagbubuksan.

He didn't want to worry; he thought his client was probably just sleeping in. Pero sa lakas ng katok niya'y imposibleng hindi ito magising?

Unless hindi nito kayang magising...

O hindi magawang gumising.

Shit.

Sinulyapan niya ang oras sa relos. 40mins passed six. They needed to check out at seven.

Lalo niyang nilakasan ang pagkatok, wala na siyang pakealam kung maistorbo niya ang mga katabing silid.

He woke up in the wrong side of the bed—err, the seat. Buong gabi siyang namaluktot sa kotse niya which didn't happen a lot. Kapag ganoong may booking siyang kagaya nito, he and his client would normally book separate rooms. Nunca siyang matutulog sa kotse niya.

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Where stories live. Discover now