030 - Beautiful Scars

524 15 26
                                    




        NAPIGIL NIYA ANG PAGHINGA NANG UMANGAT ANG TINGIN NI CERLANCE SA KANIYA. He looked her in the eye with an expression she couldn't read.

        What are you thinking...?

        What are you planning?

        What are you going to do now, Mr. Zodiac?

        Sa loob ng ilang sandali ay nanatili silang magkatitig. She was waiting for him to say something—or do something while Cerlance was just quiet and restrained.

        Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na hindi naman siya dating ganito. Si Knight ang una at huling lalaki na nakakita sa hubad niyang katawan—pero bakit hindi siya makaramdam ng hiya pagdating kay Cerlance?

        Kahit siya ay walang sagot doon.

        Nagiging mapusok na ba talaga siya?

        At okay lang ba itong ginagawa niya?

        Papaano niya dadalhin sa konsensya itong paglalandi niya kay Cerlance Zodiac kapag nagkausap na sila ni Knight at nagkabalikan? Hindi pa man sila pormal na naghihiwalay ay lumalandi na siya sa iba—was that counted as a form of cheating?

        Oh... Bakit ba ngayon pumapasok ang mga kaisipang ito sa utak niya?

        She should focus— on Cerlance.

        Pero ang gago, wala yatang balak kumilos o magsalita. Kanina pa ito nakatitig lang sa kaniya— at kung alam sana niya ang takbo ng iniisip nito'y baka matulungan niya ito.

        Like... Was he feeling what she was feeling right now? If so, she would make the first move para hindi na ito mahirapan.

        Pero... paano kung ang dahilan ng pananahimik nito ay dahil sa hindi nito gusto ang nakikita, at dahil sa marami na itong ini-dulot na pisikal na sakit sa kaniya sa araw na iyon ay ayaw na nitong magdagdag pa sa pagsasabing nakadidiri ang itsura at inaakto niya? O kaya ba ito tahimik dahil pinag-iisipan nito kung papaano sasabihin sa kaniyang ang pangit ng balat niya?

        Sa mga naisip ay niyuko niya ang bahagi ng dibdib na na-apektohan ng nabuhos na mainit na kape. Namumula pa rin iyon, at may nararamdaman pa rin siyang bahagyang hapdi. She didn't have a fair skin, but she wasn't dark either. Her skin was in between; at inaamin niyang hindi siya makinis. Hindi naman siya lumaking mayaman, natural na marami siyang paltos sa katawan.

        Tulad na lang ng peklat niyang may dalawang pulgadang haba sa tagiliran. Kasalanan iyon ng pinsan niyang lalaki na inutusan siyang umakyat sa puno ng santol tapos ay tatakutin na nariyan na ang mamang niya't may dalang pamalo. Sa takot ay nagmadali siyang bumaba sa puno, at dahil doon ay nagkamali siya ng tantiya at nahulog. Sa pagbagsak niya sa lupa ay tumama ang tagiliran niya sa nakausling sanga.

        Mayroon din siyang peklat na kasinglaki ng ten centavo coin sa kanang binti niya. Iyon naman ay mula sa bulutong na kinamot niya nang kinamot noong bata pa siya kaya lumaki at nag-marka.

        Mayroon pa siyang ilang mga maliliit na peklat sa mga binti niya na kung sa malayuan ay hindi halata, pero kung susuriing mabuti ay mukhang maliliit at hiwa-hiwalay na polka dots. Oh well, what else could she say? She had been an active child, at ang mga peklat na mayroon siya sa kaniyang katawan ay alaala niya ay palatandaan na naging masaya ang kabataan niya.

        Nakita kaya ni Cerlance ang ilan sa mga peklat niya ngayong halos ilang pulgada lang ang layo nila sa isa't isa? Nadagdagan kaya ang kapintasan niya sa paningin nito?

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Where stories live. Discover now