071 - Stuck In Wonderland

400 13 0
                                    

MAG-A-ALA UNA NA NANG NAKAHANAP NG MOTEL SI CERLANCE, AT MULA HATING GABI HANGGANG alas-otso ng umaga ay nag-check in sila roon. Nothing happened—because the moment they got into the room, Shellany instantly fell asleep. Hindi na rin ito nakapag-order pa ng pagkain at nahiga na lang sa isa sa dalawang single beds hanggang sa makatulog.

      Alas sais nang gumising si Shellany, at wala na sa silid si Cerlance. There was a note on the side table from him, thought. Sinabi nitong magpapa-full tank lang ng sasakyan at magpapalinis; babalik ito bago mag-alas siete. She got up and showered, at ang dalaga na rin mismo ang nag-palit ng bandage ng sugat sa paa.

      She met Cerlance at the small lobby of the motel where she found him checking out at the reception desk. Nakita ni Shellany kung papaanong lumandi ng magandang reception kay Cerlance na ang lapad din ng ngiti, at dahil doon ay nasira na naman ang araw ng dalaga.

      She knew she wasn't supposed to get jealous, or make much of a deal about the interaction Cerlance had with the receptionist, pero hindi napigilan ni Shellany ang sarili. She wasn't used to their set-up yet, and she knew she had to. Kung ayaw niyang patuloy na makaramdam ng ganoon...

      Habang nasa daan sila patungong Tagum City ay naghanap si Cerlance ng maayos na restaurant kung saan sila makapag-brunch. They're used to not having breakfast, and brunch was more practial for them. Uminom na rin siya ng gamit niya kahit wala pang laman ang tiyan.

      Sa Butuan na sila nakahanap ng seafood restaurant, at doon ay tahimik na nilantakan ni Shellany ang pagkain. Hindi rin nag-komento si Cerlance sa pananahimik ng kasama. Actually, he preferred silence. Nagagawa nitong asikasuhin ang mga emails na natanggap gamit ang iPad; he was able to work somehow.

      Their journey continued after brunch. There were four and a half hours left before they reached Tagum City. Shellany took another nap; ang pain reliever na ini-inom nito ay nagdudulot ng pagka-antok sa dalaga kaya dire-diretso na naman ang pahinga nito habang bumibiyahe.

      Until...

      "Damn it."

      Napamulat si Shellany nang marinig ang mahinang pagmumura ni Cerlance. Naalimpungatan siya at nagulat nang maramdaman ang biglang paghinto ng kotse kasunod ng pagmumura ng katabi. Nilingon niya ito at ang unang napansin ay ang makulimlim na kalangitan sa labas ng bintana sa bahagi ni Cerlance. Sa bahagi nito'y naroon ang malawak na taniman ng palay, at mula roon ay nakikita niya ang makulimlim na langit.

      Ibinalik niya ang tingin kay Cerlance nang tanggalin nito ang seatbelt saka pahablot na kinuha ang GPS device na nasa dashboard. Mula sa kaniyang kinauupuan ay nakita niya ang pag-aayos nito ng settings, and Cerlance seemed to be annoyed at it.

      "Ano'ng nangyayari?" she asked, confused.

      "The car broke down, and the GPS isn't working properly. Shit." Patuloy ito sa pag-yuko sa GPS device, his teeth gritting in annoyance. "Madalas na mangyari ito kapag walang signal sa area. But heck, I have been following the route for over an hour now. Sinasabi ko na nga ba."

      "Sinasabi mo na nga bang ano?"

      "Na mali ang route na naka-display sa GPS. I should have followed the road I'm used to go." Inis na ini-itsa ni Cerlance ang device sa ibabaw ng dashboard saka sinapo ang ulo. Distress was all over his face now. "Kung sinundan ko ang daang alam ko papuntang Davao ay baka nasa Tagum na tayo ngayon. Pero iba ang sinasabi ng GPS, and I followed it. Now I don't know where we are—and the fucking car broke down, too!"

      "W-Well, alam mo naman siguro kung papaanong ayusin ang kotse mo?"

      "Of course! But my point is—kaninang umaga ko lang dinala 'to sa talyer para tingnan ang kondisyon. Tapos ngayon ay sira? Those guys must have done something to my f*cking car." Sunud-sunod na nagmura si Cerlance na ikina-ngiwi niya. Hindi siya sanay na marinig ang ganoon mula rito. Oh well, noong unang mga araw na magkasama sila'y lagi na itong pagalit na magsalita, pero hindi sa puntong tuluy-tuloy itong magmumura nang ganoon. Nakikisabay sa sama ng panahon.

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Where stories live. Discover now