085 - The Reason

414 11 1
                                    




"SHELLANY..." narinig niyang usal ni Knight nang makita siya. Ang magaganda nitong mga mata'y nanlaki sa pagkamangha at pagkagulat, ang gwapo nitong mukha ay tila nawalan ng kulay.

      Bumaba ang tingin niya sa suot nitong itim na T-shirt at kupas na pantalon. He had lost weight, yet he still looked good. So damn good na bumalik sa isipan niya ang mga panahong masaya sila at puno ng pananabik na bumuo ng pamilya. He had taught her many things—he was her first time in everything. She was a proud girlfriend despite all the challenges they had in their relationship.

      He looked so damn good...

      Na hindi niya naiwasang makaramdam ng panghihinayang.

       Damn it, Shellany! Isipin mong kaya ka nakaharap ngayon sa lalaking ito ay dahil sa mga paliwanag na kailangan mong marinig, at closure! H'wag kang maglaway sa kaniya dahil sa labas lang ng pinto ay may naghihintay sa'yong mas higit pa!

      "Is that... really you, Shell?"

      Itinaas niya ang mukha, pilit na sinusupil ang nagwawala niyang puso. Her heart was beating so fast she was afraid it would tear her chest and jump out of her body.

      "How have you been, Knight?"

       Fu.ck, yeah! She was so proud of herself for not stuttering!

      Manghang itinuloy ni Knight ang pagbaba hanggang sa marating nito ang puno ng hagdan. Ang kamay nitong nakahawak sa barandilya ay humulagpos, ang mga balikat ay bumagsak. Ang mga mata'y pinamunuan ng luha.

      And she couldn't decide whether to mock him or feel sorry for what had happened to them.

       Gusto niyang isipin na kaya may luha sa mga mata nito ay dahil sa pananabik sa muli nilang pagkikita at pagsisisi na rin sa ginawa nito sa kaniya.

       But Knight could be a lot of things sometimes. She couldn't be sure now...

      "How... did you know I'm here?" he asked in a shaky, emotional voice.

      Naramdamn niya ang muling pagsara ng pinto na marahil ay ang paglabas ng matandang katulong na gumiya sa kaniya sa loob. Muli niyang inipon ang lakas ng loob sa kaniyang dibdib bago nagsalita.

      "I did some research. Desidido akong mahanap ka dahil mukhang desidido kang pagtaguan ako habangbuhay."

      Nakita niya ang paghugot nito ng malalim na paghinga, kasunod ng pagdaan ng hapdi sa mga mata nito. The distance between them was just three meters, and she could clearly see the expression on his handsome, goddamn face.

      "I was... giving it more time, Shell. Hindi ko alam kung papaano kitang haharapin matapos ang nangyari, matapos ang nagawa ko, kaya nagpalipas muna ako ng—"

      "Ng ilang buwan?"

      "It's only been seven weeks, Shell."

      "At wala ka pa ring naipong lakas ng loob at kapal ng mukha para harapin ako at magpaliwanag sa kawalanghiyaang ginawa mo sa akin? Knight... I waited for you to arrive at the church for the whole afternoon. Alam mo ba kung gaano ka-sakit ang naramdamn ko noong araw na iyon?" Itinuloy na niya ang pagkasa ng mga bala niya. Kailangan niyang ilabas ang lahat ng mga kailangan niyang ilabas habang kaya pa niyang magsalita nang diretso at hindi naiiyak.

       Humakbang ito palapit, nasa anyo ang pagkalito. "I—I will explain everything to you if you will let me, Shell."

      "Well, that's why I'm here, Knight. Gusto kong maliwanagan."

           Muli itong humakbang, at ipinako niya ang sarili sa kinatatayuan.

           Nang makalapit si Knight ay hinawakan siya nito sa magkabila niyang mga braso. "I've missed you..." Then, he gently pulled her closer and hugged her.

           May nakapa siyang pamilyar na damdamin sa pagkakayakap nito sa kaniya, pero hindi niya pinansin. Itinaas niya ang mga kamay at hinawakan ito sa magkabilang balikat upang ilayo. Hindi ito nagmatigas; humiwalay ito sa kaniya, subalit ang mga kamay ay nanatiling banayad na nakahawak sa kaniyang mga braso.

          "Let's sit there." Iginiya siya ni Knight sa malaking living area kung saan mayroong L-shaped sofa, They sat there while his hands covered hers. She maintained a straight face, pero ang totoo'y kay bigat ng dibdib niya sa dami ng damdaming nag-uumapaw. Gusto niyang ilabas ang sama ng loob, magalit, magwala, husgahan ito. Pero naroon din ang pananabik sa dating nobyo, ang lungkot at awa.

           He had lost weight and there were dark circles around his eyes. Hindi ba ito nakatutulog nang maayos? Hindi ba ito kumakain? Was he also suffering as much a she did?

          "You have gotten prettier. Masaya akong inalagaan mo pa rin ang sarili mo sa kabila ng mga nangyari," ang sabi ni Knight makaraan ang ilang sandali.

          Gusto niyang sumagot at sabihin ditong noong unang mga araw ay para siyang matandang mangkukulam sa kapangitaan, but thanks to the guy she met, she was somehow... reborn.

          "Sa nakalipas na mga linggo ay hindi ako tinatantanan ng konsensya ko, Shellany. I was depressed, I was lonely. Marami akong pinagsisihan, marami akong kasalanang gustong balikan at pagbayaran. But I was so scared you'd push me away, dahilan kaya pinili kong magtago na lang at hinaying maging kalmado ang lahat sa pagitan ng dalawang pamilya. I wasn't here the last three days, thanks to my old friends, they went here to collect me and invite me for a hike. Doon sa buntok ay nakakuha ako ng kapayapaan, at handa na sana akong bumiyahe bukas pabalik ng Maynila upang makaharap ka nang bigla kong narinig ang paghimpil ng sasakyan sa labas. I went out of my room to check who it was, then I saw you standing there at the front door." Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. "I've missed you."

           Itinaas niya ang mukha. Hindi niya hahayaang muli siya nitong lokohin gamit ang matatamis na mga salita. "Just go straight to the point, Knight. Why did you do it to me?"

           Isa pang malalim na paghinga ang pinakawalan nito, hanggang sa ...

          "I left because I didn't want to make you suffer more, Shell."

          "What?" Inis niyang tinabig ang kamay nitong nakahawak sa kaniya. "Ano'ng klaseng dahilan 'yan?"

          Si Knight ay ipinatong ang mga siko sa magkabilang tuhod saka sinapo ng dalawang mga kamay ang ulo. He lowered is head and in a heavy tone, he answered, "Gusto kitang isalba sa mas maasait na karanasan kaya ko ginawa ang ginawa ko. I thought I didn't deserve your love and honesty. You are too perfect for someone like me—"

          "Get straight to the f*cking point, Knight. Why?"

           Knight paused for a while as if gaining all his strength for the next thing he'd say.

        Until...

        "I fathered someone else's child, Shellany. May nabuntis akong ibang babae."


TO BE CONTINUED...

TO BE CONTINUED

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Where stories live. Discover now