082 - Prohibited

420 9 3
                                    




"NOOO!!!" halos maputol ang leeg ni Shellany sa pag-iwas nang inilapit ni Cerlance ang biyak na durian sa kaniya. He covered hands with transparent plastic bags before taking the smelly fruit and show it to her. Malayo pa lang ay naamoy na niya ang masangsang na amoy niyon, at sinabi na niya ritong ayaw niyang tikman, pero heto ngayon ang hayop at pinaglalaruan siya.

      "C'mon, just try it. Kakaiba lang ang amoy niya, pero masarap ang lasa," nakangising wari ni Cerlance na halatang nag-i-enjoy sa kalokohan.

      Pasado alas seis na at muli silang bumalik sa night market upang mag-ikot. May nadaanan itong fruit stall at nang makita ang durian ay kaagad na tumikim. She wanted to get away as fast as she could because she didn't like the smell, pero nang mahalata ni Cerlance ang pagnanais niyang umiwas ay lalo pa siya nitong tinukso.

      "I said no, Cerlance! Stop it!" Akma niyang itutulak ang kamay nito subalit mabilis na umiwas si Cerlance.

      Kung tutuusin ay pwede naman siyang lumayo, pero ayaw niyang maligaw at umuwing mag-isa pabalik sa Banana Beach. Isa pa, magmumukha lang siyang pabebeng bata kapag tinakbuhan niya ito.

      "Just a small bite, Shell. C'mon," patuloy pa ng luku-luko.

      Muli siyang umiwas at lumipat sa likuran nito. "Ikaw ang kakagatin ko 'pag hindi ka tumigil!"

      He chuckled again and tried to face her, subalit sa tuwing susubukan nitong humarap sa kaniya ay mataktika naman siyang lumilipat sa likuran nito. Para silang mga loko at loka na nagtatawanan habang hawak-hawak nito sa mga kamay ang malaking durian na may biyak sa gitna. She could smell the exotic scent of the fruit, at totoong hindi niya kinakaya. Pero imbes na mapikon siya sa pagpipilit ni Cerlance ay natatawa pa. Para silang mga batang nagkukulitan.

      Ahhh.. this feels great—that's all she had in mind.

      Lahat ng mga nangyari sa nakalipas na dalawang araw na magkasama sila at wala sa biyahe ay sobrang saya. Para siyang nasa ulap, para siyang... umiibig.

      But of course, she wasn't in love! No. Far from it.

      "Okay, let's have a deal."

      Humawak siya sa magkabilang braso ni Cerlance habang nakatago pa rin sa likuran nito. "No, kahit anong deal pa 'yan, hindi mo ako mapipilit na kumain ng durian."

      Ngumisi ito at nilingon siya. "You haven't heard it yet. Baka magsisi ka kapag pinalagpas mo."

      "Still a no."

      "Come on, baby. Let me whisper it to your ears and then, from there, you can make a decision."

      Natigilan siya.

      Baby?

      Did he just call her baby?

      Teka, pwede ba 'yon?

      Was he allowed to do that? Eh siya? Pwede niya ba itong i-baby back?

      "W-What's the preposition?" Ay pisti! Na-baby lang, bumigay na agad!

      Ibinaba ni Cerlance ang mukha at may ibinulong sa kaniya. Nanlaki ang kaniyang mga mata. What he said was so indecent she couldn't get her thoughts straight. Kahit ang pagtayuan ng mga balahibo niya ay hindi napigilan. She was... thrilled.

      "So?" nakangising untag ni Cerlance.

      "B-But—"

      "You want me to do that, don't you?"

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Where stories live. Discover now