050 - That Toy

492 14 1
                                    




I CAN'T FALL FOR HIM. SUSME, wala pang beinte-cuatro oras simula nang mabuo ang agreement namin, tapos ganito na ang takbo ng isip ko? This can't be happening!

Napatitig siya sa pinto ng banyo saka umiling-iling upang alisin sa isip ang kalokohang naglalaro roon.

I just want him for one thing and that is se.x. We both agreed na iyon lang ang tanging bagay na mamamagitan sa amin, kaya tama siya—bakit ako kikiligin?

Huminga siya nang malalim saka ipinikit ang mga mata. Sunud-sunod siyang humugot nang malalim na paghinga upang huminahon. Nadadala lang siya marahil ng mga salitang binitiwan ni Cerlance kanina nang huli silang magniig sa sasakyan. He was whispering sensual words that drover her nuts.

Words like...

You are so fu.cking gorgeous, Shellany...

You are amazing...can't get enough of you.

You are soaking wet and you're driving me crazy.

At marami pang iba na hindi na niya maalala dahil ang buong atensyon niya ay natuon doon sa pag-abot ng mga bituin.

At dahil marupok siya'y akala niya, may iba nang ibig sabihin ang mga salitang iyon.

Gah. Hindi na siya natuto.

Muli siyang nagpakawala ng malalim na paghinga saka lumapit sa kama at naupo roon. It was soft and the linen smelt fresh and clean. Her mind was ready to rest but her body and soul weren't. And she knew why.

Of course, she knew why.

Maryosep, ano ba itong nangyayari sa akin. Hindi ako ganito noog kami pa ni Knight.

Muli niyang ipinilig ang ulo at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Dumapo ang kaniyang mga mata sa maletang dinala ni Cerlance doon. Sa maletang iyon naroon ang mga bago niyang biling mga damit kanina sa mall ng Danao. Wala sa loob na tumayo siya at nilapitan iyon saka hinila pabalik sa kama. Binuhat niya ang maleta saka inilapag pahiga sa ibabaw ng higaan bago buksan.

Nagkarambola na ang mga gamit sa loob dahil sa kung paano na lang niyang ipinasok ang mga iyon doon. Inilabas niya ang mga pinamiling damit na naka-silid pa sa paper bag saka naghanap ng maisusuot para bukas.

Sa loob ng ilang minuto'y inabala niya ang sarili sa pagtanggal ng mga price tags mula sa mga bagong damit hanggang sa mapasulyap siyang muli sa loob ng maleta at makita ang mga damit ni Knight na ginamit niyang pantulog sa nakalipas na mga araw. She stared at them for a while, at habang naka-mata siya sa mga iyon ay biglang pumasok sa isip niya ang balitang sinabi ni Ivan nang magkausap sila nang araw na iyon.

Did Knight have already move on from her?

Wala na nga ba talaga itong pakialam sa kaniya?

Masaya nga bang talaga ito na sa wakas ay nakalaya na ito mula sa kaniya?

Why? What did I do to him? she bitterly asked herself.

I was never controling, I was never jealous. Hindi ko siya hinawakan sa leeg; ibinigay ko ang lahat sa kaniya. I was clingy, yes, but that was because I loved him so much. Kaya saan manggagaling ang konseptong nakalaya na siya sa akin? Kahit kailan ay hindi ko siya ikinulong sa relasyon namin!

Nakaramdam siya ng pag-guhit ng hapdi sa kaniyang dibdib.

Tama si Ivan...

Ano'ng karapatan ni Knight na mag-post ng ganoon sa social media matapos ang ginawa nito sa kaniya? Wala na ba talaga itong konsensya? Ito na ang nanakit pero ito pa ang may ganang mag-drama?

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon