057 - Yearning

447 12 0
                                    

         CERLANCE WOKE UP FOR A START. May narinig itong banayad na ingay hindi kalayuan dahilan kaya nagising ito sa pagkakatulog. He opened his eyes and the darkness surrounding the room welcomed him. Yet it wasn't really that dark; ang ilaw mula sa loob ng bathroom ay sumisilip mula sa siwang ng bahagyang nakabukas na pinto.
 

  Wait... He didn't remember opening the bathroom light before he went to sleep?
 

        Nang may napagtanto ay napalingon-lingon siya at kinapa ang magkabilang gilid niya, only to realize that Shellany wasn't there anymore. Ibinalik niya ang tingin sa banyo at doon lang naisip na naroon ang dalaga sa loob, at ang ingay na gumising sa kaniya ay ang tunog ng tubig na bumabagsak mula sa shower.
 

  Muli niyang ipinikit ang mga mata at bahagyang hinagod ang kaliwang braso na nangalay. Sa mahabang oras ay doon naka-unan si Shellany. He remembered getting her off of him and putting her next to him. Pero naramdaman ni Shellany ang paglapag niya rito kaya iniyakap nito ang sarili sa kaniya at umunan sa kaliwa niyang braso. A little later, he fell asleep, too.
 

  Sunod niyang hinagod ay ang ulo. It was aching a bit, which probably meant that he didn't get enough sleep. Ilang gabi na siyang ganoon, ilang gabi na siyang walang tulog. Dagdagan pang naka-inom din siya nang kaunti kagabi, kaya marahil nananakit ang kaniyang ulo.
 

  He needed more sleep. And he would get some if he still had time.
 

  Kinapa niya ang cellphone na nakalimutan niyang alisin sa kaniyang bulsa. He took it out and checked the time.
 

  5AM.
 

  No, he didn't have time to sleep anymore. Not now that Shellany's up and about.
 

  He stretched his body and sat up. Ipinatong niya ang mga braso sa magkabilang tuhod at sandaling pinakiramdaman ang sarili bago tumayo. Inilapag niya ang cellphone sa ibabaw ng side table saka kinuha ang isa sa dalawang sealed bottled water na nakapatong doon. He opened it and drank the whole content. Saktong ibinaba niya ang plastic bottle ay siya namang paghinto ng tunog ng shower. Napalingon siyang muli sa banyo.
 

  He didn't know why, but his heart suddenly pounded wildly. Pinanatili niya ang tingin sa pinto hanggang sa tuluyan iyong bumukas at nagkaroon ng kaunting liwanag sa silid. Ilang sandali pa'y lumabas si Shellany na nakatapis lang ng tuwalya. Her hair was still wet and the water was dripping on her shoulders. Akma nitong papatayin ang ilaw nang maramdaman ang presensya niya. Nang makita siya'y sandali itong nahinto.
 

  For a moment there, they just stared at each other trying to find words to say.
 

  Si Shellany ang unang nakabawi.
 

  "Nagising akong masakit ang ulo kaya bumangon ako at naligo..."
 

  Tumango siya. Why is she explaining? "How are you feeling now?"
 

  "Much better. Ganito lang naman ang kailangan ko para mawala ang sakit ng ulo ko. Besides, I wasn't that drunk last night."
 

  Her last statement made him scoff. "You werent? Sa lagay na iyon?"
 

  Napanguso ito saka humalukipkip. "Kapag nasobrahan ako'y hindi ako magigising nang ganito ka-aga. Remember the time you picked me up from my condominium? Hindi ba at wala akong naramdaman kahit noong binuhat mo na ako at dinala sa kotse mo?"
 

  "Well, thanks for the additional information, but I won't let you drink anymore even if you begged." Yumuko siya at dinampot ang ginamit na unan. "Since you're awake now, would you like to eat breakfast?"
 

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Where stories live. Discover now