062 - Kelvin

415 11 1
                                    




      BAGO PA NASAGOT ang tanong niya sa isip ay madaling inalis ni Shellany ang pagkakakabit ng seatbelt saka lumabas. Tila sandaling nawala sa isip nito na naroon pa siya.

    Madali itong humakbang patungo sa lalaking naglakad din papasalubong; nasa anyo ng lalaki ang pagkamangha nang makita si Shellany.

      At nang tuluyang nagkalapit ang dalawa ay nagyakapan ang mga ito na ikina-taas ng isang sulok ng labi niya— sa pang-uuyam. Hindi siya makapaniwalang ganito ka-rupok si Shellany pagdating sa dating nobyo.

    Ahh, shit. The sight was pissing him off, but he stayed there, watching them, until Shellany remembered about him and looked over her shoulder. Nang makita siya nitong nakaupo pa rin sa driver's seat ay sumenyas itong bumaba na siya.

       Bakit kailangan ko pang bumababa? Can't she just speak to her ex-fiance for ten seconds and come back in my car?

      Damn it— bakit ba siya nagta-tantrum? Baka kaya siya tinatawag ni Shellany dahil kailangan siya nito roon? Was her bastard ex talking sh*t?

    Nah, imposible. Matapos nilang magyakapan?

    He smirked again and mouthed, I don't wanna.

      Ipinilig ni Shellany ang ulo, patuloy sa pag-senyas na bumaba na siya. At akma niya itong sesenyasan pabalik na ayaw niya nang natuon din ang tingin ng lalaki sa direksyon niya.

      He met the man's eyes and gave him a bored look. Ilang sandali pa'y wala na siyang nagawa kung hindi magpakawala nang naiiritang buntonghininga saka napilitang lumabas na rin ng sasakyan. Pabalya niyang ini-sara ang pinto, inisuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon, saka humakbang palapit.

      And while he walked toward them, his eyes studied the man standing next to Shellany.

    The man who Shellany just hugged was the same man who made her cry for days. Baliw na ba talaga ito? Ano ba ang ginagawa ng babaeng ito sa buhay niya?

      He continued to study the bastard.

    Shalleny's ex was a tall man, at kung magtatabi sila'y baka magkapareho lang ang tangkad nila ng lalaking iyon. They also had the same body-built but he was probably more charismatic than this a**hole. The guy had a face that someone like Shellany would surely fall in love. A f*ckboy face. At ayaw man niyang aminin, pero naiirita siya sa presensya ng lalaki.

      Well at least nahanap na siya ni Shellany. My job is over. And she's coming back with me.

      Nang tuluyang siyang makalapit ay akma niyang pagsasabihan si Shellany na h'wag nang magtagal at umalis na sila, nang magsalita ito.

      "Cerlance, I want you to meet—"

      "Knight, of course," tuya niya.

      Shellany chuckled, and he frowned in disbelief. Kinikilig ba ito?

    "He is Kelvin, and he is Knight's younger brother."

      Natigilan siya.

      The younger brother? Ibinalik niya ang tingin sa lalaki na napangiti sa nakikitang ekspresyon ng mukha niya. Gusto niya itong sitahin; tanongin kung ano ang ngini-ngiti-ngiti nito, nang muling nagsalita si Shellany.

      "Kelv, this is my driv—I mean, my friend. This is my friend Cerlance. Sinamahan niya ako sa byahe papunta rito. Cerlance, this is Kelvin. Naging kaibigan ko siya sa durasyon ng relasyon namin ni Knight. And don't give him that look; hindi siya katulad ng kapatid niyang engot."

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon