098 - THE FINALE

1K 25 6
                                    




TRUE TO HIS WORDS, CERLANCE MARRIED SHELLANY THE NEXT DAY. Maaga pa lang ay umalis na ito kasama si Kelvin upang maghanap ng singsing, habang si Melba, ang ina ni Shellany, ay naging abala sa pag-aasikaso ng handaan sa malawak na farm. Hindi alam nina Shellany at Cerlance na inimbitahan nito nang madalian ang lahat ng mga kakilala, at sa tulong ng mga tauhan sa farm ay nagpatumba ito ng tatlong malaking baka.

        Malaki pa sa fiesta ang naganap na paghahanda sa umagang iyon, at pagdating ng tanghali ay nakahanda na ang reception area.

        Shellany and Cerlance wanted a private civil wedding, pero hindi pumayag si Melba dahil nangako raw ito sa asawa na kung ikakasal nga ang nag-iisang anak ay sisiguraduhin nilang magpi-piyesta ang buong farm.

        Ala-una nagkita sa munisipyo sina Shellany at Cerlance. Shell wasn't nervous because she knew Ceralnce would be there, and he was. One hour early.

        He bought her a tiffany engagement ring and a pair of white gold band rings. He was looking so dasing in his white polo shirt and black pants. Shellany wore a simple white dress na umabot hanggang tuhod with her curly hair neatly tied in a bun. Nakisaksi sa pribadong pag-iisang dibdib na iyon sina Kelvin, pati na rin sina Ivan at Moriss Jacobs online.

        The next day, Shellany and Cerlance, along with Rafi, traveled to Manila. Naiwan si Kelvin kasama si Melba dahil nangako itong aalayaan ang ina ni Shell sa pamamalakad ng farm. Nangako si Cerlance na bibisita sa Ilocos isang beses sa isang buwan, at masaya si Melba na kahit malayo ang anak at apo ay alam nitong masaya ang pareho kasama si Cerlance.

        Isang gabi lang na nanatili sina Cerlance at Shellany sa Maynila dahil sa sumunod na araw ay kailangan nilang daluhan ang kasal ni Taurence. Ang buong pamilya Zodiac ay walang kaalam-alam at nagulat na lang nang dumating si Cerlance kasama ang mag-ina nito.

        Felicia was so shocked and yet was thrilled to finally meet Shellany and the nine-month-old grandchild. Halos umiyak ito sa sobrang pananabik.

        Nainis pa si Taurence dahil inagaw raw ni Cerlance ang spotlight, but everyone knew he was kidding. He was so happy on his wedding day to be pissed about anything.

        Lalong namangha ang pamilya Zodiac nang mapag-alamang nagpakasal na ang dalawa. And Felicia said she didn't believe in any superticious beliefs, so it didn't really matter. Dalawang araw pagkatapos ng kasal ni Taurence ay naghanda na rin sina Cerlance at Shellany para sa isang church wedding. Dumating sina Melba and Kelvin sa Asteria upang tumulong sa paghahanda ng kasal. Isang linggong nanatili ang mga ito sa Asteria, at nang matapos ang pagpa-plano ay bumalik din ng Ilocos, habang sina Shellany at Cerlance ay bumalik sa Maynila kung saan naroon ang apartment ni Cerlance.

  Cerlance spoke to Caprionne about the new house he was plannning to build on top of the hill, at may nahanap nang perfect spot si Capri. Ito na rin ang magpa-plano at gagawa ng bahay nila.

        Three months later, Shellany and Cerlance married at church, and it was a glorious day for the whole family. Maliban kina Sage, Sacred, at Viren ay kompleto ang magkakapatid, with their respective partners, of course. Si Rafi, bitbit ni Ivan na tinalbogan pa sa ganda ang bride, ang siyang nag-iisang flower girl. Natawa pa ang lahat nang sa pagdating sa altar ay biglang pumalahaw ng iyak si Rafi dahil sa antok. Walang nagawa si Cerlance kung hindi buhatin ang anak sa durasyon ng seremonya.

  The Zodiac brothers gifted the couple a round ticket and accommodation to one of the finest villas in Bali, Indonesia.

        At habang nasa Bali ang dalawa ay panay ang tawag nina Aris, Lee, at Capri na kasalukuyang nasa Asteria upang tulungan ang ina sa pag-aalaga sa pamangkin. Maya't maya at tumatawag ang tatlo, nananadya upang hindi makapag-solo ang dalawa. They were trying to tease Cerlance, and boy they successfully did.

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Where stories live. Discover now