034 - Close To Him

524 14 0
                                    




"TULOG KA NA BA, CERLANCE?" tanong ni Shellany sa banayad na tinig. Hindi alam ng dalaga kung gaano na siya ka-tagal na nakatitig lang sa kisame habang hinihintay ang oras na dalawin ito ng antok. Subalit makaraan ang mahabang sandali, matapos niyang magbilang ng ilang libong tupa, at sa maka-ilang beses na pumihit siya sa magkaibang direksyon sa ibabaw ng kama, ay hindi talaga ito nakaramdam ng antok. At alam niyang ganoon din si Cerlance... kung ang pagbabasehan ay ang paraan nito ng paghinga.

      "No," Cerlance answered. "I can't sleep with you changing positions every two minutes."

      Napahagikhik siya at pumihit parahap dito. Naka-patong ang isang braso ni Cerlance sa ibabaw ng noo habang ang isang kamay ay nasa dibdib. Sa kabila ng dilim ay nakita niyang nakapikit ang mga mata nito, at ang paghinga ay malalim.

      "Ano'ng oras na?"

      "I don't know. It's probably passed midnight."

      "Ano'ng oras tayo aalis bukas?"

      "We must leave before 7:00 AM."

      "Ang aga naman no'n..."

      "I know. Kaya matulog ka na." Pumihit ito at nag-iba ng position. He turned his back on her, which she knew was his way to avoid speaking to her.

      "Kailangan talaga, talikuran mo ako?"

      Humugot ito nang malalim na paghinga bago uminat saka naupo sa kama. Ini-sandal nito ang sarili sa headboard saka nilingon siya.

      "Fine. I'm up. What do you want to do besides sex?"

      Napasinghap siya sa sinabi nito, at bago pa niya napigilan ang sarili ay bumangon kipkip-kipkip sa dibdib ang kumot. "Hala, grabe siya oh!"

      "You can't deny that from me, Shellany. I could sense it from your heavy breathing. Pero kahit anong mangyari ay hindi natin gagawin ang gustong mangyari ng mga katawan natin. Your body had gone through a lot today, you need rest."

      Napanguso siya.

           Hindi naman siya namimilit, hindi lang talaga siya makatulog.

      "Can't you force yourself to sleep?" tanong pa ni Cerlance nang hindi na siya sumagot sa huling sinabi nito.

      Umiling siya. "Umabot na ako sa three thousand eighty four na tupa pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok."

      "Do you... want to watch some movies?"

      Nalipat ang tingin niya sa maliit na flat screen TV na nasa harapan ng mga kama nila. Movies?

      Bago pa siya nakaisip ng isasagot ay naramdaman na niya ang muling pagkilos ni Cerlance at ang pag-abot nito ng remote na nasa ibabaw ng side table. Binuksan nito ang telebisyon, at ang unang bumungad sa kanila ay ang huling channel na nakabukas kanina bago niya iyon pinatay. A commercial about a sport product was being shown on the screen, and Cerlance changed the channel to look for a decent movie.

      May nahanap itong cable channel, at doon ay ipinapalabas ang pelikulang pamilyar sa kaniya. It was a movie about the bounty hunter guy chasing his wife for a court case that she avoided attending. Ang bida sa pelikulang iyon ay sina Gerard Butler at Jennifer Aniston, at pamilyar sa kaniya ang pelikula dahil minsan na niya iyong napanood kasama sina Dabby at Ivan.

      Bumalik siya sa paghiga; kinuha ang isang unan at dinala sa tagiliran niya upang kaniyang tandayan. Si Cerlance naman ay ibinalik ang remote sa ibabaw ng bedside table at ini-halukipkip ang mga braso sa tapat ng dibdib.

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon