009 - Booking Cancelation?

617 17 6
                                    




         Tahimik na pinanood ni Shellany ang pagkamustahan ng magkapatid pagdating nila sa dalawang palapag na beach house sa katabing bayan ng Batangas. Mahigit apatnapung minuto rin ang binyahe nila bago marating iyon, at inabutan na sila ng dilim.

It was almost six in the evening, subalit kahit papaano ay may liwanag pa. Malinaw pa niyang nakikita ang kapaligiran.

The house was painted in white from top to bottom, ang mamahaling roofing ay kulay asul at ang front yard ay pinaliligiran ng mga mayayabong na halaman. Simple lang ang itsura ng bahay, subalit mukhang payapa; mukhang puno ng ligaya. Mukhang inaalagan, at mukhang tinitirhan ng masayang pamilya.

Marami rin siyang plano noon para sa condo unit na binili nila ni Knight upang magmukhang masaya. Marami na siyang mga interior designs na kinuha mula sa internet upang gawing batayan sa pagre-renovate ng unit. She was planning on adding another room for their future baby. Plano na rin niyang bumili ng mga gamit na safe para sa bata...

Nahinto siya sa pag-iisip at ipinilig ang ulo.

Bakit ba ang hilig niyang saktan ang sarili niya?

Ibinalik niya ang tingin sa bahay na nasa kaniyang harapan at sinuri ng tingin ang istruktura. Sigurado siyang matibay ang pagkakagawa niyon upang may panlaban sa bagyo. Ang disenyo ng beach house ay moderno; yaong mga bahay na nakikita niya sa mga western magazines.

Inalis niya ang tingin sa bahay saka sinulyapan ang lalaking kausap ni Cerlance.

And my, oh my.

The man had the same body built as Cerlance, and as strikingly gorgeous, too! Ang suot nitong asul na Hawaiian shirt ay bumagay sa maamo itong mukha at mapulang balat. He had a smiling face as opposed to Cerlance who was always scowling.

Pero nagtataka siya...

Magkapatid ang mga ito pero hindi magkahawig. Ni hindi niya makita kahit katiting na pagkakapareho ng mga ito-- sa pisikal na aspeto.

Bigla siyang nahinto sa pag-iisip nang lumingon si Cerlance sa direksyon niya. Naroon pa rin siya sa loob ng kotse at nakatanaw lang mula sa bintana. Nang makita nitong hindi pa rin siya bumababa ay kinunutan ito ng noo. And somehow... she knew what it meant.

Sandali niyang niyuko ang sarili at inayos ang suot na turtleneck shirt. Inisuklay din niya ang mga daliri sa kulot na buhok na nag-riot na dahil wala siyang dalang brush. Her face was void of makeup, at hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkailang.

Should I put light lip tint? Pero nasa loob pa ng maleta ko ang makeup kit ko. Kagat-kagatin ko na lang kaya ang labi ko para pumula nang kaunti?

Muli siyang natigilan sa itinatakbo ng isip.

Why would she bother, anyway?

Gaga ka Shellany, umayos ka nga! suway ng isang bahagi ng isip niya. Ba't kailangan mong magpaganda? Nasa eye-ball ka?

Napasimangot siya sa sariling pang-uuyam.

Parang gusto ko lang na magmukhang presentable sa harap ng isa pang anak ni Bathala, eh. Kay Knight pa rin naman ako kahit gago 'yon...

Ibinalik niya ang tingin sa labas, at nang makitang pareho nang nakaantabay sa pagbaba niya ang dalawang lalaki'y lalo siyang nataranta.

Mabilis niyang binuksan ang pinto sa backseat at humugot muna ng sunud-sunod na malalim na paghinga bago lumabas ng kotse. Muli siyang inayos ang damit bago nag-umpisang maglakad palapit sa dalawang lalaking naghihintay sa kaniya sa harap ng front door.

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Where stories live. Discover now