021 - No Judgment

492 15 0
                                    




  "What the hell was wrong with you?!"

            Napa-igtad siya kasabay ng pag-atras nang marinig ang pagsinghal ni Cerlance. Nagulat ito sa bigla niyang pagbulalas kanina kaya ganoon ang naging reaksyon.

            "I-I-I..."

             She was lost for words. Palipat-lipat ang tingin niya sa mga braso at sa nanggagalaiting mukha ni Cerlance.

            "I said push, but what the hell were you thinking zoning out on me?"

            Napalunok siya. Wala siyang maisip na isagot.

            At nang walang nakuhang sagot mula sa kaniya ay naiiritang nagpakawala ng malalim na paghinga si Cerlance bago tumalikod at dinala sa magkabilang baywang ang mga kamay. She could see his shoulders going up and down as he breathed in and out, probably to calm himself down.

             Napakagat-labi siya; hindi alam kung papaano ipaliliwanag ang sarili. Tama ito; she zoned out after seeing his muscled arms.

             Braso pa lang nito'y natulala at nanggilalas na siya; paano pa kaya kung ang ano na nito ang makita niya?

             Baka magka-heat stroke siya nang wala sa oras...

             Napalingon siya sa likuran ng kotse nang sa gilid ng kaniyang mga mata'y nakita ang dalawang sasakyang papalapit sa kanila. Unti-unting bumagal ang takbo ng mga ito upang mag-overtake sa kotse nilang nakaharang sa kanang bahagi ng kalsada.

        Pagkatapos makalampas ng dalawang sasakyan ay muling humarap si Cerlance sa kaniya. At sa kalmadong tinig ay,

        "Okay, let's try it again." Muli itong pumwesto sa likod at ini-tukod ang mga kamay sa trunk.

        Atubili siyang sumunod, ginaya ang ginawa ni Cerlance habang pasulyap-sulyap pa rin sa braso nito.

        "I'm going to count again, and you need to push as hard as you can on three. No messing around this time, Shellany. Dumarami na ang dumaraang mga sasakyan."

        Napakurap siya. She didn't want to take orders from him, pero wala siyang maisip na isagot dito. Tila ba bigla siyang nawala sa sarili nang makita ang mga tattoo—at mga ugat nito sa braso. Hindi niya mapigilan ang sariling mag-isip ng kung anu-ano. Hindi niya mapigilan ang demonyong lumalason sa utak niya sa mga sandaling iyon.

        Si Cerlance ay bahagyang yumuko upang maghanda sa pagtulak, muli ay ginaya niya ito.

        "One..."

        Napalunok siya saka ibinaling ang tingin sa harapan upang alisin ang tingin sa katabi.

        "Two..."

        Sunod ay mariin niyang ipinikit ang mga mata. Kung hindi'y baka mataranta na naman siya sa susunod na makikita.

        "Three—push!"

        And she did. As hard as she could.

  *

  *

  *

        "Wait—Wait! Baka pwedeng huminga muna tayo?" ani Shellany nang tuluyan na nilang maitabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

        Naghahabol siya ng paghinga, hinang-hina pa ang katawan niya.

        "Wala pang dalawang metro ang layo ng ini-tulak natin, at hindi umabot ng sampung segundo ang ginawa nating iyon—there is no need to be so overdramatic, Shellany," sagot sa kaniya ng walang'ya.

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Where stories live. Discover now