016 - Sleep With Me

665 15 0
                                    




  Nahinto sa pagpupumiglas si Shellany matapos ang ginawa ni Cerlance. Hindi nito inasahang gagawin iyon ng huli. Pero ang pagkagulat ng dalaga ay sandali lang. Nang mag-umpisang humakbang si Cerlance palayo ay doon muling kumawag-kawag si Shellany.

         "Ibaba mo ako! Ibaba mo ako, Cerlance!"

        "No," matigas na tugon ng binata na kung buhatin si Shellany ay tila ba nagbubuhat lang ng isang sako ng patatas.

        Si Shellany ay nag-iiiyak na hinampas ang likod ni Cerlance kasabay ng pagluha. She was frustrated, and desperate, and enraged all at the same time. Maliban sa hampas sa likod ay sinisipa rin nito sa tiyan ang binata subalit hindi iyon ni-inda ni Cerlance.

        He thought he would rather take the physical torture than the humiliation. Hindi nito kayang manatili sa harap ng gate na iyon habang pinag-pi-piyestahan sila ng mga kapitbahay. Kung si Cerlance lang ang masusunod ay iiwan nito roon si Shellany at bahala na ito sa buhay nito. But if he did that, he would be breaking his terms. Kahit baliktarin niya ang mundo, kliyente niya pa rin si Shellany. It was his responsibility to look after her--whether he liked it or not.

         "Ibaba mo ako!" patuloy na panlalaban ni Shellany. "Ibaba mo ako sabi, eh!"

         Mahigit dalawampung metro na ang inilayo nila sa gate nang huminto si Cerlance at ibinaba sa kalsada si Shellany. Pagbaba na pagbaba pa lang ay tatakbo sana pabalik ang dalaga nang maagap na hawakan ni Cerlance ang kwelyo ng suot nitong bestida. Muntik nang mapunit ang damit ni Shellany kaya huminto ito at hinarap ang binata.

             "Ano ba?!"

             "You can't go back."

             Inis na inalis ni Shellany ang kamay ni Cerlance na nakahawak sa damit nito saka tinapunan ng matalim na tingin ang binata. "I hired you to drive me to my destination, not hinder my plans!"

         "Your plans? Is this your plan?" Salubong ang mga kilay ni Cerlance. "Plano mong ipahiya ang sarili mo sa harap ng marami?"

         "Who cares? They don't know me!"

         "Some of them were carrying their mobile phones! Kung hindi pa tayo umalis doon ay siguradong makaiisip ang ilan sa kanila na-i-film tayo. And then what? Magiging viral ka sa social media? Not that I care about you—but I was with you! Ibig sabihin ay madadamay rin ako!"

         "Wala akong pakialam!" Muling pumihit pabalik si Shellany nang muli itong pigilan sa braso ni Cerlance. This time, Shellany was even more persistent, kaya marahas nitong hinila ang kamay mula sa binata. At nang mapakawalan nito ang sarili ay mabilis itong tumakbo pabalik, not minding her three inches wedge!

         Subalit bago pa man ito tuluyang makalayo ay inabutan na ito ni Cerlance at mahigpit na hinawakan sa bewang.

         "Stop making yourself look even more pathetic!"

             "You don't know how I feel!"

             "I probably don't, but it's not the point! Can't you see? I'm saving your ass from humiliation!"

             Subalit nagbingi-bingihan si Shellany. Wala itong pakialam sa mga sinasabi ni Cerlance. Nagpatuloy ito sa pagpupumiglas kahit na nasasaktan na rin ito. Sa higpit ng pagkakahawak ng binata sa bewang nito, kahit ipu-ipu ang tumama sa kanila ay hindi hihiwalay ang katawan ni Shellany mula kay Cerlance.

             Dumami lalo ang mga tao sa kalsada. Ang ilan sa mga kapitbahay ay nagtawag pa ng mga kamag-anak na nasa loob ng mga bahay nila upang saksihan ang komosyon sa labas. At napansin iyon ni Cerlance kaya lalo itong nagpursige na ilayo si Shellany.

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن