039 - On To The Next Destination

519 18 0
                                    




NAPA-IGTAD SI SHELLANY sabay mulat nang maramdaman ang pagdantay ng kamay ni Cerlance sa suot niyang T-shirt. Napa-sulyap siya rito at nakita ang pag-ngiti ni Cerlance habang ang tingin ay diretso pa rin sa daan.

      Nasa biyahe na sila upang ituloy ang ekspedisyon. Nasa front seat na siya nakaupo ngayon sa pahintulot ni Cerlance na ayon dito ay hindi madalas mangyari sa ibang mga kliyente. They messed up the backseat and it was full of sweat and... erhmmm... well. So Cerlance thought it would be best for her to sit in front. Bagay na kaagad niyang sinang-ayunan.

      Matapos ang nangyari kanina ay hindi pa sila muling nag-usap malibang tinanong siya nito kung 'okay lang siya' o kung nagugutom na siya. Other than that, wala silang pinag-usapan tungkol sa nangyari. Hindi na rin sila umalis sa kotse simula nang bumaba sila roon at gumawa ng milagro.

    Matapos ang kababalaghang ginawa nila'y ikinuha siya ng pamalit na damit ni Cerlance mula sa maleta niyang nasa trunk, at dahil halos mga lumang damit din iyon ni Knight ay wala itong ibang mahugot kung hindi ang oversized T-shirt ng dati niyang nobyo.

      Hindi niya alam kung ano ang itatawag niya sa sarili sa mga sandaling iyon. She had just fu.cked this fu.cking hot hired transporter at the back of his car, and then wore her ex-boyfriend's shirt right after it. Alam niyang alam ni Cerlance na damit ni Knight ang nakuha nito, at wala itong komento. Maliban sa T-shirt at lacy panty ay wala na siyang ibang saplot sa katawan. At dahil ilang pamalit lang naman ang naempake niya'y naubos na marahil niya ang mga dalang damit. She needed to buy new clothes...

      "Why are you so jumpy?" Cerlance asked with a slight grin on his face. "I just touched your shirt."

      "N-Naka-idlip ako at nabigla sa pagdampi ng kamay mo sa akin." At least she's honest...

      "Bakit? Ganito na ba ang epekto ko sa katawan mo?"

      She pressed her lips and looked outside the window. Ayaw niyang makita nito ang kaniyang pag-ngiti. "Itatanggi ko pa ba 'yan, eh buking na buking mo na 'tong katawan ko..."

      Cerlance chuckled and placed both of his hands on the steering wheel.

      Muli niya itong tinapunan ng tingin. "Bakit kasi may pahawak-hawak ka pa? Nilalandi mo ba ako?" Say yes, and I'll ask you to stop the car and fu.ck me again. Right here, right now.

      Lord, she was becoming a wanton!

      "Baliktad ang T-shirt na suot mo, at iyon ang dahilan kung bakit ko hinawakan kanina."

    Napanguso siya; hindi iyon ang sagot na gusto niyang marinig. "Anong oras tayo makararating sa susunod na port?"

      "It'll only take us 1.5 hours to arrive in Danao City's seaport. We have been traveling for almost an hour now, maya-maya'y naroon na tayo. Pwede ka munang umidlip at gigisingin na lang kita pagdating natin doon."

      "May mabibilhan kaya ako ng mga damit doon?"

      "Yes, there's a local mall near the seaport. Pwede tayong kumain ng pananghalian doon pagkatapos mong mamili." Nilingon siya ni Cerlance, at bago pa man nito mahuling nakatitig din siya rito'y mabilis siyang umiwas at kunwari ay napatingin sa harapan. "Are you hungry?"

      Nagkibit-balikat siya. "Not really, pero gusto kong kumain. Naghahanap na ang mga alaga ko sa tiyan."

      Sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niya ang pagngiti ni Cerlance bago nito ibinalik ang pansin sa harapan. "Kaya ba ng mga alaga mong maghintay hanggang sa makarating tayo sa Danao?"

      "I'll be fine," tahimik niyang tugon bago niyuko ang suot na t-shirt. It was a navy blue signatured shirt na may logo ng Captain America. It was an oversized shirt na umabot lang hanggang sa saktong pagtatakpan, at iyon ay madalas na gamitin ni Knight noon pantulog. Pero tama si Cerlance, nakabaliktad ang damit.

      "Ngayon mo lang ba napansin?" tanong pa ni Cerlance na ino-obserbahan pala siya.

      "I was in a hurry to put this on dahil nakita kong may paparating na tao kanina palapit sa sasakyang katabi natin," rason niya. Pero ang totoo'y wala lang talaga siya sa sarili kanina matapos ang nangyari sa kanila ni Cerlance.

      "No one could see you us from the outside, the windows are tinted, plus, the parking space was dark. " Nasa tinig ni Ceralnce ang pagkaaliw. Inapakan nito ang accelerator para bilisan ang pagmamaneho.

      Hindi na siya nagkomento pa sa huling sinabi nito. Pareho nilang initutok ang tingin sa harapan. Hanggang sa...

      "May tanong ako, Cerlance."

      "Go ahead; ask away."

      "Did you enjoy it?"

      Napansin niya ang pagbagal ng sasakyan bago siya nilingon ni Cerlance nang saglit. Muling gumuhit ang ngisi sa mga labi nito; ang anyo ngayon ay ibang-iba sa bugnuting Cerlance Zodiac na nakilala niya ilang araw na ang nakararaan.

      "What do you think?"

    "I don't know. Kaya ko nga tinatanong para malaman, eh."

    "I did. I enjoyed it a lot. It was so wrong and yet it felt so good." Matapos iyong sabihin ni Cerlance ay sandaling nawala ang ngiti sa mga labi nito at ang anyo'y naging seryoso. "Shellany, I want you to know that I don't normally have sex without protection. What I did earlier was out of character."

      "So? You didn't cum inside me?" Susme, bakit ba ganito ang pinag-uusapan namin?

      "What I am trying to say is that I don't fool around unprotected, so you don't have to worry about me giving you some diseases."

      Hindi ko naisip iyon, ni hindi pumasok sa isipan ko. Bakit ba ang defensive mo, Cerlance?

      "I'm sure that just like me, you don't fool around with men other than your ex?"

      Realization hit her.

      Ahh... So gusto mo lang ding malaman na malinis ako at walang sakit na ibibigay sa'yo. Fair enough.

      She couldn't help but scoff. "H'wag kang ma-alala; hindi ako kaladkaring babae ay ikaw ang pangalawang lalaki na nakinabang sa akin. I don't sleep around with anyone."

      "Okay, that's good then. We're clear." Huminga ito nang malalim. "Sorry, I was worried that you'd think I am someone who would fu.ck anyone so carelessly. I was always in control... until you came."

      Natigilan siya sa narinig. At nang rumehistro sa isip ang ibig sabihin ni Cerlance ay malapad siyang ngumiti. Para siyang nasa disyerto, init na init, tapos biglang nagka-himala at umulan. Ganoon ang dating ng sinabi ni Cerlance sa kaniya.

    Kaya napa-pihit siya paharap dito. "Was that a compliment?"

      "I don't know if it was, I just told you the truth." Then, he glanced at her again. "You made me lose control."

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon