020 - Push

539 18 0
                                    

     

 "Okay, from here to San Carlos City is an hour drive. Makararating tayo roon ng alas dos ng hapon. Alas sinco pa ang dating ng ferry na sasakyan natin patungong Cebu kaya walang dahilan para magmadali tayo."

"Gusto kong mag-sight seeing. Since may sapat pa tayong oras, pwede mo bang bagalan ng kaunti ang pagpapatakbo ng sasakyan?"

Sandali lang siyang tinapunan ng tingin ni Cerlance mula sa rearview mirror bago siya nito pinagbigyan. Unti-unti nitong binagalan ang takbo ng kotse.

Nakangiti niyang inisandal ang sarili sa backrest, ini-hililg ang ulo at itinuon ang tingin sa labas.

Ang dinadaanan nila ay malawak na palayan at maisan. Sa magkabilang gilid ng kalsada ay iyon ang nakikita niya. Ang hangin ay kay sariwa at tila nililinis ang baga niya, ang panahon ay kay ganda, ang langit ay kay aliwalas.

It was such a great day.

At busog na busog siya sa mga kinain nila kanina sa seafood restaurant na iyon. Hindi niya alam kung talagang masarap ang timpla ng red sauce na humalo sa mixed seafood kaya naparami siya ng kain o talaga lang na gutom siya? Nonetheless, she enjoyed the meal. To the point na halos ubusin na niya ang tray ay hindi bigyan ng parte nito si Cerlance.

Napasulyap siya sa rearview mirror at tinitigan si Cerlance na ang buong pansin ay nasa daan. Kay seryoso ng anyo nito; tila ba may malalim na iniisip.

Kanina, habang kumakain sila ay pansin niya na panay ang pagsulyap nito sa kaniya. Hindi lang siya kumikibo pero ramdam na ramdamn niya iyon habang sumusubo. Hindi niya alam kung ano ang itinatakbo ng isip nito, lalo at nahuhuli rin niya itong nakatitig sa kaniya nang may pinong ngiti sa mga labi. It freaked her out, that was why she just put all her attention to the food.

Hindi siya sanay na makita itong nakangiti. Why the heck was he smiling anyway? Matapos siya nitong batuhin ng maaanghang na salita kagabi at kaninang umaga ay pakikitaan siya ng kabutihan ngayon?

Oh, wait. Hindi kaya na-guilty ito at sinusubukang makabawi?

Well, that was so unlike him.

Nahinto siya sa pag-iisip nang bigla siyang nakarinig ng ingay mula sa labas kasunod ng biglang pag-preno ni Cerlance at ang muntikan nang paghampas ng kaniyang katawan sa likuran ng driver's seat. Kung hindi niya maagap na initukod ang mga kamay sa likuran niyon ay siguradong tumilapon na siya sa harapan sa biglang pag-hinto ng kotse.

Nanlaki ang kaniyang mga mata--hindi niya alam kung ano ang nangyari. Pero kung hindi siya nagkakamali ay tila may mahinang pagsabog siyang narinig na naging sanhi ng biglaang pagpreno ng kanilang sasakyan.

"Ano'ng nangyari?" tanong niya, sinilip si Cerlance sa kinauupuan nito.

Si Cerlance ay sunod-sunod na nagmura; ini-taas nito ang handbreak at tinanggal ang seatbelt bago binuksan ang pinto sa panig nito at lumabas ng kotse.

Nakasunod lang ang tingin niya rito hanggang sa naglakad si Cerlance patungo sa harapan. Sunod ay nakita niya itong binuksan ang hood ng kotse. Pagkabukas ay sinalubong ito ng usog mula sa loob.

Doon siya napasinghap. Inilusot niya ang ulo sa nakabukas na bintana sa panig niya saka tinawag ito.

"Hey! What's happening?"

Sumilip ito mula sa nakaangat na hood. "The car broke down."

"What do you mean the car broke down? Hindi mo ba sinisigurong maayos ang kondisyon ng kotse bago tayo umalis?"

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu