072 - Grumpy

410 11 0
                                    





      "I'M FINE." Banayad na tinabig ni Cerlance ang kamay ni Shellany at ibinaling ang ulo sa kabilang direksyon.

      "No, you are not." Lumingon si Shellany sa backseat upang tingnan kung mahahanap na tuyong damit na pwedeng ipang-takip kay Cerlance, subalit walang naroon. Lahat ng gamit nila'y nasa maleta na nasa loob ng trunk. Ibinalik niya ang tingin kay Cerlance. "May payong ka ba?"

      "Kahit na meron ay hindi ka pwedeng lumabas, Shellany. Don't get your bandage soaked in mud."

      "But you need dry clothes, otherwise you'll freeze to death!"

      "Wala tayo sa Antartica para manigas ako sa lamig. Kapapatay mo lang ng AC, pero maya-maya'y magiging mainit na naman ang buong kotse—"

      "This is a BMW car--- surely, heated ang mga upuan nito?" Yumuko siya at hinanap sa dashboard ang button para sa heated seat, subalit nang walang makita ay muli niyang sinulyapan si Cerlance na hindi pa rin nag-aabalang imulat ang mga mata. "Where is the button?"

      "I hate using it without any clothes, so please don't turn it on." Napansin niya ang paghigpit ng yakap nito sa sarili; ang mga muscles nito sa braso ay lalong bumukol, at sa ibang pagkakataon ay baka naglaway na naman siya. But not this time.

      "Pero papaano ako makatutulong, Cerlance...? Ang taas ng lagnat mo—at bakit ka ba nilagnat?"

      "It happens to me all the time kapag nauulanan ako—"

      "And yet sumuong ka pa rin sa ulan!"

      "Geez, why are you yelling at my ear? May plano ka bang basagin ang eardrum ko?"

      "This isn't the right time to joke—"

      "I wasn't joking. I need you to shut up and let me rest. Kadalasan ay nagiging maayos ang pakiramdam ko kapag itinulog ko ang lagnat ko."

      Ini-sandal niya ang sarili sa upuan saka sinapo ang ulo. "Bakit kasi hindi mo naisip na gamitin ang payong bago ka lumabas kanina? Meron ka ba talagang payong?"

      "I have, but it's in the trunk."

      "Why is it in the drunk? Hindi ba dapat ay—"

      "God, Shellany, wala nang saysay ang mga sermon mo. Can't you shut that noisy mouth for a minute?"

      She did press her lips and shut the hell up. Humalukipkip siya saka inituon ang buong pansin sa harapan. Malakas pa rin ang ulan at kumukulog sa dako pa roon. Ni isang sasakyan ay walang dumaan sa kalsadang iyon sa haba ng ini-tigil nila sa gitna ng kalsada. Nasaan nga ba kasi ang mga sasakyan? Bakit walang dumaraan kahit isa? Wala naman sila sa liblib na lugar, malawak ang kalsada at mukhang madalas na daanan ng mga sasakyan. Where were they?

      Frustrated, she shifted her attention back to Cerlance. Napa-igtad pa siya nang makitang nakamulat na ito at nakatingin din sa harapan. He was breathing heavily, and she could see him wincing in pain.

      "Are you hurt or something?"

      "Just my head." Itinaas nito ang kamay at hinagod ang ulo.

      "N-Nangyari na rin ba ito minsan habang nasa biyahe ka kasama ang kliyente?"

      Tumuwid ng upo si Cerlance saka dumukwang upang buksan ang compartment sa bahagi niya. Halos idikit niya ang likuran sa sandalan ng upuan para hindi siya nito masagi. Not not she didn't want their bodies to touch—far from it. Ayaw lang niyang maging sagabal dito habang masama ang pakiramdam nito.

      Binuksan ni Cerlance ang compartment saka hinablot ang box ng tissue mula roon. Halos pabalya rin nitong ini-sara ang compartment saka bumalik sa pagkakaupo.

      "No, this never happened to me. Ngayon lang," sagot nito makaraan ang ilang sandali. Sunud-sunod itong humugot ng tissue mula sa box. "Mukhang may dala kang malas kaya nangyayari ito sa akin."

      Gusto niyang makipagtalo rito at ipagtanggol ang sarili laban sa huli nitong sinabi, pero mas nanaig ang konsiderasyon niya sa kasalukuyan nitong kalagayan kaya pinanatili niya ang sariling tahimik. Napanguso na lang siya at muling humalukipkip.

    Kung iisipin ay may punto ito—paano kung malas lang talaga siya?

      She was born because her mother was forced to marry her father.

      She was jilted by her fiance on the day of their wedding.

      She got injured on this trip not once but four fu.cking times.

      And now, her driver got sick for the first time while he was doing his job.

      If there was one thing she felt lucky about, that was the relationshit she had with Cerlance. A temporary s*xual relationsh*t.

      Swerte pa rin ba 'yon?

      Kung iisiping mabuti ay kamalasan din iyon. Because she allowed herself to get involved in an uncertain relationship that might cost her heart.

      Dahil tama si Ivan— imposibleng walang ma-develop na feelings sa pakikipag-plokplokan niya sa isang lalaki, lalo kung ang lalaking iyon ay ubod ng sarap tulad ni Cerlance Zodiac.

      She let out a long, pathetic sigh.

      Sorry na agad, self, bulong niya sa sarili.

      "But don't worry about it," muling sabi ni Cerlance na pumukaw sa kaniya. Ibinalik niya ang tingin dito at nakitang pinupunasan nito gamit ang mga hinugot na tissue ang basang katawan at buhok. Ang tingin ay nasa harapan nang dagdagan nito ang mga sinabi, "Don't worry because despite the bad luck you brought into my life, I still enjoy your company. The sex was great."

      Napatitig siya sa mukha nito upang suriin kung may sinseridad na kalakip ang mga sinabi. O kahit wala na, kahit humor na lang. Gusto niyang isiping tinutukso siya nito at nag-uumpisa lang itong makipaglandian.

      But then, Cerlance's face was blank. No emotion could be seen in it.

      And he said those words as if he was telling her how his day went. Walang emosyon, walang pake, walang pagpapahalaga.

      This man really wanted nothing but se.x.

      And it should have been clear from the get-go; kaya ano na naman ang dina-drama niya?

      Napabuntonghininga siya saka ibinalik sa harapan ang pansin.

      Mukhang nagiging antipatiko si Cerlance kapag may lagnat. Nararamdaman niya ang animosity nito kaya sige. Kung ayaw nito ng kausap, sige. Kung ayaw nitong asikasuhin niya ito, sige. Tutal ay may injury rin siya, wala rin itong mapapala sa kaniya. Kaya sige!

      Punyeta.

      I'll ignore you until you start getting your act together. Gago.





TO BE CONTINUED...

TO BE CONTINUED

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Where stories live. Discover now