Chapter 2

7.3K 282 28
                                    

Chapter 2. Horny



"Ayokong pangunahan kayo ng anak ko... pero totoo ba talagang may relasyon kayo?"



Mr. Aaron Vincent broke the silence between us. Tahimik lamang ako dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang isasagot ko. Tumiim-bagang ako dahil sa tanong niyang iyon. Maybe, he knows a lot about me. Kinuwento siguro ni mommy sa kaniya na hindi ako mahilig sa mga lalaki.



Simula kasi nang iniwanan ako ni Kendrick ay nawalan na ako ng ganang pumasok sa kahit anong relasyon. Simula nang hindi niya ako sinipot sa kasal namin ay nawalan ako ng ganang mapalapit sa kahit sinong lalaki, maliban nga lang kay daddy, pero ngayon...



"Treice and I had a relationship," I said to mr. Aaron Vincent.



Tumitig pa siya ng ilang sandali sa akin bago tumango at namulsa, mukha namang nakumbinsi ko siya. Kapag ako kasi ang magsinungaling ay hindi iyon nahahalata ng ibang tao. Obviously, I am good at lying.



"Trevon is not a kind of man entering romantic relationships with other women. I am here to warn you. Beware of my son, Stella Maris. Kilala ko ang anak ko at babaero iyon. Kahit kailan ay hindi iyon nagseryoso sa isang babae. Ayokong masaktan ka sa bandang huli kaya binabalaan na kita."



"I know about that and I am already aware," I coldly said.



"O-Oh... Okay? Then, that's good, Steris." He nodded nonchalantly.



"Okay, aalis na po muna ako---"



"Anyway... I heard that you're friends with my daughter?"



Nahagilap ng biglaang tanong na iyon ang atensyon ko na pumutol sa aking sinasabi. Kumunot lang ang noo ko dahil wala namang binanggit sa akin si Treice na may kapatid siyang babae. Dalawa lang naman ang kaibigan ko sa buong buhay ko at hindi ko alam kung sino sa kina Zani at Ellai ang anak daw ni Aaron Vincent.



"I don't know about your daughter. Dalawa kasi ang kaibigan ko eh. Si Zani at si Ellai lamang." sagot ko lang.



Mapaklang tumawa ang lalaki sa akin. "Maybe, my daughter didn't mention to you anything about me."



"Yeah?" My forehead knotted.



"Alizeh Noelani is my daughter, Steris."



My lips formed into a circle when I heard him mentioned Zani's name. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Zani, kahit kailan man ay wala siyang naikuwento at naibanggit sa amin tungkol sa mga magulang at pamilya niya. Ni hindi ko pa nga nakikita ang kaniyang ina.



Hindi naman namin siya pinapangunahan. We knew how to respect her privacy. She just said that she has two brothers. Hindi ko pa nakikita ang kaniyang isa pang kapatid. Hindi talaga kasi pumasok sa isipan ko na kapatid niya rin pala si Treice. What a small world, huh!



"Naintindihan ko ang anak ko kung bakit hindi niya kinukuwento sa inyo ang tungkol sa amin." mapait na sabi ng ama ni Treice sa akin. "Zani... my daughter choose to stay away from us."



Tumango-tango ako dahil totoo naman ang sinasabi niya, halatang hindi malapit si Zani sa kaniyang mga magulang. She has her own unit to get rid from her family. Hindi rin naman namin pinapakialaman ang buhay niya. Naiintindihan namin na ang bawat isa sa amin ay may sinisikreto. Kilala naman namin ang bawat isa sa amin ngunit may mga bagay talaga na mas mabuting ilihim na lang, katulad nito.



Alizeh Noelani Evans or Zani, Nephele Rai Clarkson or Ellai. Zani and I became friends when both of us are in tertiary level and Ellai was high school that time. She's still young compared to us. Halos nakalimutan ko na nga kung paano ko sila naging kaibigan eh.



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now