Chapter 19

3.4K 155 6
                                    

Chapter 19. Love



Iyon ang eksena sa loob ng dalawang buwan na pakikisama ko kay Treice. Minsan ay naroon kami sa bahay nina Strawberry at minsan naman ay wala kami roon dahil may mga trabaho kami. Si Treice at Jake ay minsan busy, ganoon din ako samantalang si Strawberry naman ay nasa bahay lang nila. Jake don't want her to work.



Mabuti na lang din at hindi na binabanggit ni Strawberry si Drick sa akin.



Minsan pa nga ay naa-out of place ako sa usapan nila kasi 'yong kaibigan nina Treice sa ibang bansa ang pinag-uusapan nila. Hindi ko naman kilala iyon kaya wala rin naman akong masabi.



Minsan pa nga rin ay ginagabi ng uwi si Treice kaya hindi niya ako nasusundo sa coffeeshop ko. Para sa akin nga, parang naging barkada ko na rin ang mga kaibigan niya, sina Strawberry at Jake. Masaya silang kasama at mahilig silang mang-asar sa akin.



"Babe, drink this." Treice handed me a cup with something inside. A coffee or what?



Tinanggap ko kaagad iyon at tiningnan kung ano ang laman niyon. Kumunot lang ang noo ko nang makitang parang juice ang laman kaya muli kong inangat ang tingin ko kay Treice.



"What's this?"



"Turmeric, babe," he answered immediately and sat on the seat beside me. "Inumin mo 'yan, ginger 'yan pero masarap 'yan at para talaga 'yan sa 'yo."



Inirapan ko siya. "Okay then."



Nasa sala kami ngayon, kauuwi lang ni Treice galing sa trabaho. Kanina pa ako nakauwi, mga alas dose y media. Hindi na ako bumalik sa coffeeshop ko dahil napagod ako ngayong araw. Pinuntahan ko kasi si mommy kaninang umaga sa mansyon at naaliw pa ako sa pakikipag-usap sa kaniya tungkol sa kung anu-ano kaya medyo nahuli ako sa trabaho ko.



Tapos na rin si mommy sa pagtutulong niya kay tito Aaron sa kompaniya niyon at sa tingin ko nga ay magkaibigan na lamang sila ngayon. I can't feel doubts against them anymore. I also heard that they're talking about my relationship with Treice again. Sabi nila, gusto raw nilang maikasal na kami.



If I wasn't wrong, Kendrick is the reason. Naibanggit 'yon ni mommy noong nakaraan, eh, na kapag babalik daw si Drick ng bansa, he wants me back. Mommy really wants the best for me. Hindi ko alam kung bakit pumayag siyang ipakasal ako kay Treice kahit alam naman niyang babaero si Treice... noon.



"Teka nga... ano 'yang nasa braso mo? Ba't may galos ka?" tanong ko kay Treice nang dumaan siya sa akin at nakitang may galos sa braso niya.



"Ah... May dumaan kasing motor sa tapat ng hall na pinuntahan ko at muntik na akong mabangga roon. Mabuti na lang ay nakaiwas ako pero bumagsak naman sa gilid ng kalsada kaya heto..." rason niya lang na parang wala lang.



"Tang ina naman nito," mahina kong mura bago tumayo galing sa stool na kinauupuan ko. "Hali ka nga, gamutin na natin 'yan."



"Hindi na, gagaling din 'to---"



"Kung ayaw mong mamatay nang maaga, hayaan mo 'kong gamutin 'to." pilit ko sa kaniya at hinigit ang isa niyang brasong walang sugat.



Napakagat-labi siya. "Parang mas mamamatay ako sa banta mo kaysa sa sugat ko, eh."



"Aywan ko sa 'yo! Hayan ka na naman! Gamutin na nga natin 'yan!"



Hinatak ko siya at iginiya sa sala. Pinaupo ko siya sa mahabang couch bago dumiretso sa drawer kung nasaan nakalagay ang mga first aid kit niya. Nilabas ko lang ang ethyl alcohol, bulak, betadine, tape at 'yong gauze bandage. Nilapitan ko siya dala-dala ang gamot sa sugat 'tsaka umupo sa harapan niya.



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now