Chapter 7

5.1K 215 13
                                    

Chapter 7. Adorable



Kinabukasan ng araw na iyon ay maaga akong gumising at maaga ring nag-ayos para maagang makapasok sa aking trabaho. Nadatnan ko pa si mommy na nakasuot ng plain t-shirt at jeans nang pagkalabas ko sa aking silid.



"Where are you going, mom?" I asked her, arching my brow.



She smiled. "I have an inspection, Steris. I have to go. Kailangan na kasi ako sa trabaho ko. Well, babalik na ako sa trabaho ko dahil wala naman akong gagawin dito." she simply explained.



I just nodded as a response. Mommy's working at DOLE for years. Mag-i-inspect na naman siya ngayon. Maybe, in a hotel, restaurant, mall or whatsoever. Depende kasi iyon. Hindi ko alam dahil hindi naman iyon ang trabaho ko.



"Okay, mom. I'll go ahead. See you later." I kissed her goodbye and immediately went out of our mansion.



Nang makalabas ng mansyon ay kaagad na bumungad sa akin sina Ellai at Zani na kabababa lang sa kani-kanilang sasakyan. Kumaway sila sa akin at tanging ngiti lang ang aking isinukli sa kanila. Lumapit kaagad ako sa kanila 'tsaka sila niyakap isa-isa at nakipagbeso sa kanila.



"Kumusta buhay n'yo? Tagal na nating hindi nagkita, ah?" si Ellai.



"Magkasabay talaga kayong pumunta rito? Bakit pala kayo narito?" Kumunot ang noo ko at tinanong sila. "Pinag-usapan n'yo ba ang pagpunta ninyo rito, ah?" dugtong ko pa.



"Coincidence." Zani simply answered me and shrugged. "Nagulat din ako nang makita ang sasakyan ni Ellai. Anyway, bonding tayo later? May ikukuwento raw kasi si Ellai sa 'tin." Zani grinned as she gaze Ellai.



Umirap si Ellai. "Eh, ikaw? Wala ka bang ikukuwento sa amin tungkol sa doktor mo?"



Inismaran ni Zani si Ellai dahil sa tanong na iyon. "Jaxxon is not my doctor, okay? Hindi ko gusto 'yon."



"Weh?" Ngumisi si Ellai. "Ayaw mo pang aminin na may doktor ka na. Si Steris nga ay may engineer na, eh." Mapang-asar na binalingan niya ako.



"Bahala ka riyan, Ellai. And for Pete's sake, Treice is not my engineer." I protested. "Baka ikaw nga 'tong may nililihim na lalaki sa ating tatlo, eh." I added teasingly.



"True! Ilang araw na kasi akong walang balita na may lalaki kang kasama." sang-ayon ni Zani at pinaningkitan ng mata si Ellai.



"Kailan ka pa naging chismosa, Zan? Tsk. Alam mo, busy lang ako sa schoolworks." Ellai rolled her eyes at Zani again.



"Ewan ko sa 'yo! Anyway, kumusta pala si Kuya CJ? He is your professor, right? Binanggit mo iyon sa akin noong nakaraan."



Ellai coughed when she suddenly heard Zani's question. Umarko ang kilay ko sa kaniyang naging reaksyon. Napasulyap siya sa akin at umiwas ng tingin nang makita kung ano ang bumalatay na reaksyon sa aking mukha.



"B-Bakit sa 'kin mo kinukumusta si Re---I mean... S-Si prof Evans? Bakit hindi siya ang puntahan mo? Kapatid mo 'yon." naiilang na sagot ni Ellai sa pabalang na tono.



"Oh? What's with your tone?" Ngumisi muli si Zani. "Oh no, Ellai! Don't tell me... may crush ka kay kuya?!"



Mabilis na umiling si Ellai. "H-Hindi, 'no!" she answered exaggeratedly. "W-Wala akong gusto sa kapatid mo! Of course, he is my professor. Bawal atang magkagusto ang isang estudyante sa isang guro."



"Sure? Ayos lang naman na magkagusto ka kay kuya kaso nga lang, baka hindi ka magustuhan niyon. Hindi iyon nakikipagrelasyon sa kung sino, eh. Wala iyon pakialam sa mga babae. And lastly, his priority is his passion."



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now