Chapter 29

2.8K 114 6
                                    

Chapter 29. Day



"Ugh," umungol si Treice sa gitna ng pagkukuwento niya sa akin 'tsaka sinapo ang kaniyang ulo. "Damn! My head hurts!"



Tumawa ako. "'Yan, kinarma ka tuloy. Sige, hangover pa, kulang 'yan sa inom."



Napailing siya. "Wala ka man lang bang gagawin sa ulo ko? Masakit talaga, eh." Ngumiwi pa siya matapos niyang sabihin iyon.



Nagkukuwento siya kasi kung ano 'yong buhay niya noong wala pa ako, noong hindi pa ako dumadating sa buhay niya. He fucked here, fucked there, fucked everywhere. Kung sinu-sinong babae raw ang kinakama niya at kung paano siya magpalit ng babae sa isang araw.



Of course, our topic is quite frustrating but I am glad that Treice is being honest to me. Sinasabi niya at kinukuwento niya kung ano siya rati. I love him and I accepted his flaws. At least hindi siya naglilihim sa akin, hindi niya nililihim na ganiyan siya noon... isang babaero at mapanlinlang.



"Wife..." he called me. "My head hurts, sobrang sakit talaga," reklamo niya.



Umirap ako. "Fine! Let me massage your head, Treice..."



"Wait..." Ngumisi siya nang biglang may pumasok na namang kabulastugan sa isipan niya. "I will unzip my pants first," aniya nang nakangisi.



"What?" My forehead knotted before I arch my brow. "And why do you need to unzip your pants?"



"Like you said, baby... you will massage my head!" he answered laughingly.



Binatukan ko kaagad siya. "Gago! Ibang ulo na naman 'yang tinutukoy mo!"



He just laughed. "Crazy Maris, Crazy baby, Crazy wife."



"Saang ulo ba 'yang masakit sa 'yo, ha?" sarkastikong saad ko pa, inignora ang mga pinagsasabi niya sa akin.



Lumabi siya. "Parehong masakit 'yong itaas at iyong ibaba. Bakit? Imamasahe mo na ba? That's wow then! What a great opportunity!"



Binatukan ko ulit siya. "Siraulo ka talaga, eh! 'Pag ako mapuno, maputulan ka talaga ng dalawang ulo!"



Kinalaunan ay lumabas na lang ako ng silid dahil sa kakulitan niyang hindi ko kinaya. Nadatnan ko sina Strawberry at Jake na nakasandal pareho sa backrest ng sofa habang sapo ang kani-kanilang mga noo. Siyempre, naparami ang inom ng dalawang 'yan, eh.



"Oh? Masakit ulo n'yo, ano?" utas ko na ikinabaling ng dalawa sa gawi ko.



Inismaran ako ni Strawberry. "'Di mo man lang talaga ako pinigilang uminom kagabi, ha? Sobrang sakit talaga ng ulo ko!"



Ngumisi ako. "Malala na 'yan, Berry, lolobo 'yang ulo mo at puputok 'yan. Sige, inom pa kasi. Kulang 'yan sa beer."



Inirapan niya ako 'tsaka sinapak si Jake. Pareho kaming nagulat ni Jake dahil sa ginawa ni Strawberry. Jake looked at her innocently before caressing his nape. I caught him mouthing "what" to his girlfriend.



"Huwag mo 'kong ma-what-what diyan! Ba't kasi dinamihan mo 'yong beer na binili mo, ha?!" sermon ni Strawberry sa kaniya.



"Malay ko ba kasing dadamihin mo rin 'yong inom mo, babe! Sorry naman kasi. Hali ka na, hilutin natin 'yang ulo mo, baka biglang pumutok, eh."



Strawberry glared at him. "Stop that putok-putok thing, Jake. Imbes na ang ulo ko ang puputok, ulo mo 'yang papuputukin ko."



Humalakhak si Jake. "Saang ulo ang papuputukin mo? Dalawang ulo ko kasi ang kayang pumutok, eh."



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now