Chapter 28

2.9K 126 11
                                    

Chapter 28. Playboy



"Inom tayo! Bumili ng beer kanina si Jake!" anyaya ni Strawberry nang makarating kami ni Treice sa longue kung nasaan silang dalawa nina Strawberry at Jake naglalambingan.



"Wala ba kayong pasok bukas? May trabaho ako bukas, eh. Baka hindi ako makasali sa inuman ninyo," sagot ko naman at isa-isang tiningnan sina Jake at Treice.



"May trabaho kami kaso nga lang, takam na takam kami sa inumin ngayon. May trabaho man o wala kasi, lumalabas talaga kami ni Trevon para uminom. Pero... noon 'yon, ah, hindi na ngayon. Nandiyan na kasi kayo, eh, kaya dapat kasama namin kayo!" agap kaagad ni Jake at bahagyang tumawa pa.



"Aywan ko sa inyo, kayo bahala. Basta ako, hindi ako iinom," masigurado kong sabi.



"Iinom ako," ika ni Strawberry. "Pero samahan mo kami, Steris, ah?"



"Sige na, babe, samahan mo kami." Inakbayan ako ni Treice at gumawi sa kina Strawberry.



He didn't wait for my response and just pulled me right away. So? Do I still have a choice? Wala na, hindi ba? Hinatak na niya ako, eh. At alam kong hindi nila ako tatantanan kapag hindi ko sila sasabayan kaya wala pa rin talaga akong pagpipilian.



Umupo kami ni Treice sa kaharap na sofa ng magkasintahan. Humilig si Strawberry sa dibdib ni Jake samantalang si Jake naman ay nakasandal sa backrest ng sofa. Bumaling ako kay Treice nang bigla niyang kalasin ang braso niya sa balikat ko at sa halip ay dinaop niya ang palad niya sa hita ko. Hinayaan ko na lang siya at muling hinarap ang dalawa.



"So... how's your day, you two?" tanong ko sa kina Strawberry at Jake.



Kumibit-balikat si Jake. "Ayos lang ang araw ko, kasama ko naman si Strawberry, eh."



"Ah..." Napatango lang ako at nilingon si Strawberry. "Ikaw? Kumusta araw mo?"



Tumawa siya. "Bakit iyan ang naitanong mo? Bored ka ba? Wala kang maisip na i-topic, ano?"



Napatawa na rin ako. "You're right. I'm bored and exhausted today kaya gumagawa na lang ako ng topic."



Naghapunan na lang kami at nang matapos iyon ay naisipan na nilang uminom na. Kain daw muna bago mag-inuman para may laman ang tiyan nila. Magkatabi kami ngayon ni Treice at kaharap namin ang dalawa. Sa sahig kami nakaupo lahat at may maliit na lamesang nasa pagitan namin kung nasaan nakalapag ang mga inumin at chips.



Nakatagilid kaming lahat sa telebisyon, nanonood kami ngayon ng horror sa Netflix. Gabing-gabi na ngayon at nakasimula na silang uminom samantalang ako naman ay nanonood lang. Si Treice ay nakahilig sa balikat ko habang hawak ang isang beer.



"Sana tanduay ice na lang ang binili mo." Rinig kong sabi ni Strawberry kay Jake.



"Mas maganda 'pag beer, babe," depensa ni Jake.



"Kahit na!" si Strawberry.



Napailing na lang ako sa kanilang dalawa na nagtataluhan kung ano sana 'yong iniinom nila. Si Treice naman sa tabi ko ay tahimik lang, kanina pa siya umiinom at mukhang tinamaan na yata. Hindi ko siya nililingon dahil nanonood ako ng horror. Mukhang ako nga lang yata ang nanonood dito sa amin, eh. Kahit sina Strawberry kasi ay may sariling mundo.



Napasulyap ako mayamaya kay Treice at umawang ang bibig ko nang bigla niyang nilagok ang beer. Bumaling ako sa kina Strawberry na ngayon ay naglalambingan na, lasing na sila pareho ni Jake at alam kong ganoon din si Treice. Bumuntong-hininga ako at inakay ang braso ni Treice sa balikat ko.



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now