Chapter 13

3.8K 154 6
                                    

Chapter 13. Ever



"Memorize the algebraic identities and the important symbols in algebra, okay? Don't forget the ASAV, also. Para hindi ka mahirapan sa klase mo, mag-take down notes ka, understand?" bilin ni Treice sa patapos na pagtuturo sa bata.



Tapos na pala. Ang tagal kong nakamasid lamang sa kanila at tila naaliw pa ako. Treice might be a good tutor. Mukhang nasiyahan pa siya na may naturuan siya, ecstaticness is written in his eyes. Ngumiti ako habang pinagmamasdan sila. Nagsimula na sa pagliligpit ng mga gamit ang batang babae. Treice helped her gathering her things.



"Thank you so much, kuya. This is a big help for me. Pasensya na po sa abala pero wala po talagang magtuturo sa akin. Mabuti po at napadaan kayo. Kung hindi po dahil sa inyo ay baka hindi na naman po ako papasukin sa klase ko." the girl thanked him wholeheartedly and sincerely.



"You don't have to thank me." Ginulo ni Treice ang buhok ng babae. "Hali ka na, ihatid muna kita---"



"Huwag na po, kuya. Masyado pong nakakahiya sa inyo. Ayos lang din naman po ako at ayoko na pong makaabala."



"Gusto kong masiguradong nasa mabuting kalagayan ka bago ako bumalik sa trabaho ko." Treice insisted.



"U-Uhm... K-Kanina po pala, bakit po kayo nagmamadali? May pupuntahan po ba kayo?" tanong lang ng bata sa kaniya nang mapaisip iyon.



"I forgot something in my condo. Kapag makuha ko ang pakay ko roon, babalik ako sa trabaho ko." sagot ni Treice.



"Pasensya na po talaga, kuya."



Hindi na ako nakinig pa sa usapan nila at binaba ang tingin sa pambisig kong relo. It was already passed three. Natagalan yata ako sa kapapanood sa kanila. Dumiretso muli ako sa condo building ni Treice. Pinapasok naman ako ng guwardiya dahil hindi naman gaano kahigpit iyon dito.



Pumasok ako sa elevator at sinara kaagad iyon. I pushed a button para sa palapag ng unit ni Treice. Hindi rin ako natagalan sa loob ng elevator. Kalaunan ay tumunog iyon, hudyat na nasa tamang palapag na ako. Lumabas kaagad ako at diretso lang. I have Treice's spare keys with me so no need to worry about.



I directly went to his unit and opened the door using the spare keys he handed to me last time. Nang makapasok na ay pinaandar ko kaagad ang ilaw 'tsaka dumiretso sa kusina para kumuha ng maiinom. Kumuha ako ng baso at pinagsalinan iyon ng malamig na tubig galing sa pitsel. Ininom ko ang tubig matapos 'yon bago nilagay sa lababo ang basong ginamit ko.



Tumulak ako patungo sa silid ni Treice kung saan kami natutulog nang magkasama. Well, that wasn't a big deal to me anyway. Sanay na 'ko na katabi siyang matulog. He loves cuddling, pinagbibigyan ko na lang siya.



Kumunot ang noo ko nang gumawi ako sa bedside table at may nakita akong nakalapag na makapal na papel doon. Binuklat ko iyon at may mga nakalagay pang hindi ko maintindihan. This is Treice's property for sure. Hindi ko yata 'to napansin kanina. Sinubukan kong suriin at basahin ang mga nakasulat pero parang wala naman akong maintindihan.



"D-1, D-2, D-3, D-4?"



That was written on the schedule of doors. This is an unfinished blue print of Treice surely. The applicant's date and place issue are still blank. Also the address of the officer who prepared this sheet and some.



The schedule of doors and windows are already filled up. Mukhang nasukat na yata ang bahay dahil may nakalagay rin namang width at length sa blue print.



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now