Chapter 36

2.8K 87 9
                                    

Chapter 36. Light



Kinabukasan ay maaga akong gumising na wala si Treice sa tabi ko. Bumalikwas ako at bumaba sa kama. Inabot ko na lang ang cellphone kong umiilaw at tumutunog na nasa bedside table. Nakarehistro ang pangalan ni Kendrick sa screen kaya mabilis kong sinagot ang tawag.



"Sorry, kagigising ko lang," bungad ko at humikab pa dahil ramdam kong inaantok pa rin ako.



"Kanina pa ako tumatawag. Are you still sleepy? Matulog ka na lang muna saglit at tawagan mo lang ako pagkagising mo," suhesiyon niya.



"Hindi na yata ako makakabalik sa tulog," I said in a lower voice. "Anyway, see you? Saan tayo magkikita? At anong oras?"



"Ten Ante Meridīem, see you at your coffeeshop, Stella. Call or text me if papunta ka na o ano."



"Sige!" Tumango ako. "Magliligpit lang ako at maliligo. Pasensya na talaga, ha."



"Anyway, nakapagpaalam ka na ba kay Trevon tungkol dito?" tanong niya.



Napalunok ako. "A-Ah, yeah."



"Okay, sige, ingat ka."



Ako na mismo ang nagbaba ng tawag at naisipang tumungo sa banyo para maligo. Saktong pagtayo ko sa kama at hindi pa ako nakakahakbang ay bumukas ang pinto palabas at si Treice ang niluwa niyon. Hinagod ko lang siya ng tingin.



His hair is quite messy but it suited him, he's still on his boxer. Mukhang nagluto yata siya ng pang-umagahan namin. Pinagpagan ko lang ang sarili ko at lumapit sa kaniya. I reached for his hands and held it both.



"Good morning, husband," I greeted him nicely and gave him a peck on his lips. "Kumain ka na ba?"



Umiling siya at hinapit ako. "Not yet, babe. Hinihintay kita. Did I make you tired last night? And... you are late, babe."



He lifted his head to the wallclock. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya at nakitang alas otso na pala ng umaga. Rinig ko ang bawat buntong-hininga niya. Pilit akong ngumisi at ibinalik ang tingin sa kaniya.



"Hey, it was okay, baby. You don't have worry," I consoled him. "Ayos lang din naman na ma-late ako, sanay na rin naman ako."



"Okay..." He sighed and pulled me for a hug. "I love you, babe."



Pinauna ko si Treice sa kaniyang trabaho at sinabihan na sasakyan ko na lang muna ang gagamitin ko ngayong araw papunta sa coffeeshop ko. Napilitan na lang siya at sinunod ang gusto ko kahit labag sa kalooban niya, wala rin naman siyang magagawa. Nagtaluhan pa kami pero kalaunan ay pumayag na lang siya.



Medyo nahuli rin naman siya sa trabaho niya kaya ayos na rin. Kailangan ko rin naman na gamitin ang sasakyan ko dahil baka 'pag ihatid ako ni Treice at naroon na si Kendrick sa coffeeshop ko ay magkita pa silang dalawa. Ayoko pa namang malaman ni Treice na nakikipagkita ako kay Kendrick dahil baka malaman niya ang nakaraan namin ni Drick.



When Treice finally out of his unit, I decided to take a bath. I did my daily routine and I wore a black tube top with fierce red letherette jacket. On my lower part, I wore a mini skirt partnered with shiny strappy caged heels. I am not actually wearing these kind of stuffs but let's try to wear all of these sometimes.



Isang oras ang sinayang ko sa pag-aayos sa sarili ko. When I finally done, I went out of Treice's unit. Nang tuluyan na akong makalabas sa condominium ay mabilis na tumungo ako sa sasakyan kong nakaparada sa carpark. Pinatunog ko iyon, hudyat na in-unlock ko siya. Hindi na ako nagsayang ng oras at kaagad na pumasok sa driver side.



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now