Chapter 33

2.8K 104 2
                                    

Chapter 33. Someday



I was sunk in my thoughts until the ending speech of the host. Halos walang-wala ako sa sarili ko at tulala lamang ako sa kawalan. Treice is beside me and it looks like he didn't notice my silence. Nagkunwari lang ako na may kinakalikot sa cellphone ko para hindi mahalatang may malalim na iniisip ako.



"Oy! Kenjay! Happy birthday! And hello, tita Yara!"



Napatuwid ako ng upo at inayos ang sarili ko nang marinig ko ang palayaw nina Kendrick at tita Kiara. I lifted my head. Kendrick's eyes met mine but I immediately looked away. I don't want anyone to notice an atmosphere between me and Kendrick. I don't wanna feel awkward every time when he's around.



"Salamat!" Kendrick thanked Treice, Strawberry and Jake for greeting him.



"Hi, Steris. What about you? Hindi mo ba babatiin si Kendrick?" si tita Kiara na kumuha ng atensyon ko.



Tila kinalabit ako sa tanong na iyon. Hindi ko alam kung sarkastiko ba ang tono niya o hindi pero mukhang hindi naman siya nanunuya. Ngumiti na lang ako nang sapilitan at pasalin-salin ang aking tingin sa limang taong nandito sa harapan ko. I stop my gaze at Kendrick and gave him a hand.



"H-Happy birthday, D-Drick---I mean... Kendrick James? Ha-ha!" I just laughed awkwardly. "Happy birthday!" bati ko muli kay Kendrick gamit ang pormal na tono nang mapansin ko ang pagtataka na bumalatay sa mukha nina Treice at Jake.



Kendrick just looked at me before accepting my hand. "Thanks."



Nakahinga ako nang maluwag nang bumitiw siya. Mabilis lang siyang nakipagkamayan sa akin, mabuti na lang.



I drifted my eyes to Treice and caught him staring at me before looking away. Napakagat-labi lang ako at umiwas din ng tingin bago bumaling kay tita Kiara na ngayon ay nakatitig din sa akin. Ngumiti ako sa kaniya pero umiwas siya ng tingin at hindi sinuklian ang ngiti ko.



Nakisabay sa amin sina tita Kiara at Kendrick nang kumain na mayamaya. Tahimik lamang ako at sina Strawberry naman ay nag-uusap tungkol sa kung anu-ano. Si Treice ay nakikisali rin sa usapan nina Strawberry at Jake.



Nasa isang long table kaming anim. Tatlo kami nina Strawberry ang nandito at kaharap namin ay sina Jake, Kendrick at tita Kiara. Si Strawberry naman ay kaharap si Jake na katabi ni Drick, si Kendrick ang kaharap ko at katabi niya si tita Kiara na kaharap ni Treice. Ako naman ay napapagitnaan nina Strawberry at Treice.



"Anyway, bro, kumusta pala 'yong fiancee mo? Akala ko pa nga naman ay ipakikilala mo na siya, eh!"



Bigla akong nabilaukan sa aking kinakain nang dahil sa tanong ni Jake. Lahat sila ay napabaling sa akin. Si Treice ay kumuha ng tubig na maiinom at inabot iyon sa akin na kaagad ko ring tinanggap. Hinagod niya ang likod ko habang ako naman ay hindi mapakali sa tanong na iyon kahit nabilaukan na ako.



Si Kendrick ang kausap ni Jake pero kabado naman ako kasi alam kong ako 'yong tinutukoy na fiancee ni Drick. What now? Ano na lang ang sasabihin niya? Na bigla na lang sila naghiwalay ng fiancee niya sa exact date ng kaarawan niya? This is ridiculous! This is getting more complicated! This is stressing me out!



"Are you okay, wife?" Treice asked me worriedly.



Tumingin ako sa kaniya at mabilis na tumango. "A-Ah, oo naman. Nabilaukan lang ako pero okay lang ako."



Napatingin ako sa kina Kendrick at natagpuan kong nakatitig sila pareho ni tita Kiara sa akin. Napalunok ako ng sariling laway at ibinalik na lang ang aking tingin sa pagkain ko. Damnit, I lost my appetite.



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now