Chapter 26

3K 124 1
                                    

WARNING: SPG.
----------------------

Chapter 26. Hope



"Nagbago talaga ang lahat sa 'yo, Ellai! Humubog talaga 'yang katawan mo ngayon!" untag ni Zani at dinuro pa si Ellai, pati ang katawan nito. "At pa'no 'yan?!" Dinuro niya rin ang hinhaharap ni Ellai. "Gaga! Ba't mas lumaki pa 'yan kung ikumpara sa amin, ha?"



Pilit na tumawa si Ellai nang sumulyap siya sa akin at natagpuan akong nakatitig sa kaniya. She's weird. Parang may nagbago talaga sa kaniya na hindi ko mawari o maipaliwanag man lang. She looked away and acted like nothing.



"Tips nga paano palakihin ang dibdib!" si Zani.



"Ipalamas mo," biro na lang ni Ellai.



Now... I am wondering kung ano iyong tinanong ni mommy sa kaniya, kung ano 'yong napag-usapan nila. Feels like Nephele Rai is hiding something against us. I am full of confusion and astonished. Alam kaya ni mommy kung ano 'yong nililihim sa amin ni Ellai?



I sighed heavily and drifted my eyes on Treice's direction. He is talking to the Attorney professionally. Matapos niyang sabihin kung gaano niya ako kamahal ay umalis kaagad siya, hindi na pinakinggan ang isasagot ko sa kaniya. Lumapit siya kaagad sa abogadong naging saksi sa kasal namin at ngayon ay nag-uusap na sila.



Malawak ang ngiti sa labi niya habang kausap ang abogado. Tahimik na tinatanaw ko sila nang bigla akong nakaramdam na may kumalabit sa akin. Napatingin ako kay Zani at nakita siyang may tinitingnan sa cellphone niya.



"What's the matter, Zan?" I asked her worriedly.



"I think, I need to go first. Aquisha texted me, may pag-uusapan daw kami," pagpapaalam niya.



"Okay, thank you for coming and... for attending our simple marriage. Thank you for being one of the witnesses, Alizeh Noelani. Ingat ka, ha? Pakisabi rin sa mananger mo ang tungkol dito para hindi ka masermunan niyon."



She scoffed. "She understand me, Steris, hindi ako pagsesermunan niyon. Magpapakaawa lang ako sa kaniya, ayos na 'yon."



Napatawa ako sa sinabi niya. "Siraulo ka talaga! Oh sige na. Ingat ka na lang sa biyahe mo."



"Z-Zan, sasabay na 'ko sa 'yo," biglang wika naman ni Ellai at humawak sa braso ni Zani.



"Aalis ka na rin, Elle?" I asked her politely.



"A-Ah, oo, eh. Kailangan kasi. Mauna na kami, Steris. Huwag kang mag-alala, mag-iingat kami sa biyahe." sa halip ay pumaalam na lang siya.



Muli pang nagpaalam si Zani bago sila tumulak paalis. Kinalaunan ay sunod ding umalis ang mga staff bago sinundan nina mommy, kasama niya sina tito Gio at tito Aaron. Sina Strawberry at Jake naman ay nagpaiwan, mukhang sasabay sila sa amin ni Treice.



"Hey! Congratulations! Hindi ako makalapit sa 'yo kanina! Gusto sana kitang batiin, eh! Kaso sabi ko, mamaya na lang dahil ang dami kasing bumati sa 'yo kanina." ani Strawberry nang lumapit siya sa akin.



Niyakap niya pa ako at nakipagbeso sa akin, ganoon din ang ginawa ko sa kaniya bago kumalas sa yakap niya. Humalakhak si Jake sa may hindi kalayuan na kumuha sa aming atensyon, namulsa pa siya bago lumapit sa amin. Inakbayan niya si Strawberry pero inirapan lamang siya nito. Napailing na lang ako sa kanila. Kahit kailan kasi, ang cute talaga ng couple na ito.



"Congrats, Steris! 'Di ako makapaniwala na inunahan n'yo pa kami," wika naman ni Jake.



I glared at him. "Manahimik ka riyan, panira ka talaga kahit kailan."



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now