Chapter 18

3.4K 150 19
                                    

WARNING: SPG.
---------------------

Chapter 18. Innocent



Hindi kami natuloy ni Treice sa site nila dahil natagalan kami rito sa kina Jake at Strawberry. Hindi rin yata matutuloy na ipakikilala ako ni Treice nang personal sa Architect Collins na 'yon.



Ilang minuto matapos kong makipag-usap sa dalawang magkasintahan ay pumasok siya na may ngiti sa labi.



Nasa dinning area kami ngayon, magkatabi kami ni Treice at kaharap namin sina Strawberry at Jake. Inismaran ko lang si Treice at tiningnan na lang ang pagkain.



"Eat that or else..." banta ni Treice nang makitang hindi ko ginagalaw ang pagkain ko.



"Or else?" masungit kong hamon.



"I will eat you..."



I glared at him. "Hayan ka na naman! Ang bastos mo! Eat you-eat you ka riyan! Bakit hindi na lang tite mo ang kainin mo, ah?!"



Narinig ko pa ang pamimilipit na tawa ng magkasintahan sa harapan namin dahil sa narinig galing sa akin.



"Subuin mo na ang pagkain kung hindi---"



"Kung hindi, ano?! Ha?! Ano?" hamon ko sa kaniya at muli siyang hinarap.



Humalakhak siya. "Etits ko ang ipapasubo ko sa 'yo."



Binatukan ko na nang hindi ko na makayanan. Tuluyan nang humagalpak ng tawa sina Strawberry. Nagpigil lang ako ng inis at uminom na lang ng malamig na tubig.



"Ang cute n'yo naman," puna ni Strawberry sa amin ni Treice.



"Ganiyan din kaya tayo," si Jake.



Strawberry glared at him. "Tumahimik ka, moment nila 'to. Naninira at nakikisawsaw ka na, eh."



I drifted my eyes to the man beside me when he leaned over to whisper in my ears. "Babe, eat up."



"I lost my appetite, Treice."



"What? Why?" He looks innocent when he asked me.



"Hindi mo ba nahahalata? Naiinis na ako sa 'yo, nakakairita ka. Napupuno na 'ko sa 'yo." pabulong kong sabi sa kaniya sa galit na tono.



Muli siyang humalakhak. "Hindi ko nahahalatang napupuno ka na, palagi ka naman kasing napupuno na, eh."



"Alam mo, tarantado ka talaga." aniko na lang nang wala nang masabi pa.



Ngumisi siya. "Tarantado ako sa 'yo."



"Ganito ka rin ba sa mga babae mo, ah?" nanunuyang saad ko at inarkuhan siya ng kilay.



Humagalpak naman muli ng tawa si Jake kaya bumaling ang atensyon namin sa kaniya. Ang kaniyang braso ay pinatong niya sa sandalan ng silya ni Strawberry. Si Strawberry ay tahimik lang na tinaasan ng kilay ang kasintahan.



"What's wrong with you? May nakakatawa ba sa usapan ng dalawa?" aniya.



Umiling si Jake. "Stella Maris reminded me of you. May pagkapareha kayo, eh. Sa bawat salita namin ni Trevon ay sinasawsaw n'yo ang mga naging babae namin noon."



"Kasalanan n'yo naman kasing naging babaero kayo," paninisi ni Strawberry.



"Kung naging seryoso lang sana kayo," I cautioned. "Kasalanan n'yo talaga 'yan." I fired up, adding fuel to the fire.



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now