Chapter 5

5.2K 233 40
                                    

Chapter 5. Mad



"Baka sa ating dalawa nga ay ikaw 'tong may ibang lalaki, eh," pagpapatuloy niya.



Pilit kong tinitikom ang bibig ko. Pa'no kaya kapag malaman niya ang nangyari sa akin noon? Pa'no kung malaman niyang magpapakasal na sana ako noon? Ano na lang kaya ang sasabihin niya?



"Tell me, Maris... May ibang lalaki ka ba? Maliban sa akin?" tanong niya gamit ang seryosong tinig.



I swallowed hard. "W-Wala, ah. Alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga lalaki, eh." Nagawa ko pa siyang supuhin sa kabila ng kaba ko.



"Kung ganoon... pakasalan mo ako." hamon niya.



"T-Treice---"



Tinigil niya ang kaniyang sasakyan sa tabi na pumutol sa aking sinasabi. Kinalas niya ang seatbelt niya 'tsaka lumapit sa akin. Pinatong niya sa backrest na inuupuan ko ang kaniyang braso bago ako tiningnan. Namumungay ang kaniyang mga mata nang binalingan ko siya at may bakas pang hindi ko maipaliwanag na ekspresyon ang makikita sa kaniyang kulay asul na mga mata.



"Sabi mo, wala kang ibang lalaki, hindi ba? Mahirap bang pakasalan ako? Alam ko naman na wala kang hilig sa mga lalaki pero---"



"Ang pagpapakasal ay para lamang sa mga magkasintahan na mahal ang isa't-isa, Treice Von." putol ko sa kaniya. "At kung magpapakasal man tayo, masyado pang maaga. Can't you get my point? There's nothing wrong with marriage but... we don't love each other. Balang araw ay divorce pa rin ang patutunguhan niyon."



"Is that really the exact reason?" May bahid na pait ang kaniyang tinig. "Sinasabi mo lang siguro 'yan kasi ayaw mong pakasalan ako, Maris. Fuck! This is the first time I got rejected like this---"



"Hindi naman kasi lahat ng babae ay kayang mong makuha sa mga salita mo. I am different, Treice. I am confident and sure that I will never ever fall in to your fucking trap, so stop that. Stop playing around with me, it's not funny anymore."



"I am not playing around with you, I am serious, Maris. Yeah, this is all my fault kasi naging playboy ako kaya hindi ninyo ako pinapaniwalaan. But damn! I am not playing around with you!" Bahagyang tumaas ang kaniyang boses. "Sabi ko, 'di ba? Patutunayan ko. Patutunayan ko rin sa 'yo na ang lahat ng ito ay hindi laro."



"I won't believe you no matter what you say," I coldly told him. "Sinabi ko na, hindi ako katulad ng ibang babae na madali lang madala sa mga salita mo. Hindi ako naniniwala kasi alam ko, sa bandang huli... ako ang kawawa sa atin---"



"Oh really? Maris, binibigay ko na nga, 'di ba? Ang sarili ko, ang atensyon ko, lahat---"



"At hindi ko hinihingi iyon, okay?" putol ko rin sa kaniyang sinasabi at inismaran siya.



"Hindi iyon ang pinupunto ko. Ang tinutukoy ko ay ang pakasalan mo na ako. Sa tingin mo ba, ganoon na ako kababa? Magpapakasal na nga tayo para hindi ka na---"



"Let's stop talking about marriage, Treice Von." malamig kong anas.



"Stop? Bakit? This is the topic here. Maayos na sana kaso lang, pinapakumplikado mo." he said calmly. "Ano ba ang kinakatakutan mo?" tanong niya pa.



"W-Wala..." Umiwas ako sa usapan at dinaop ang palad ko sa aking hita. "Tara na nga lang, susunduin pa natin ang kapatid mo." Tumuwid din ako sa aking pagkakaupo at ibinaling ang tingin sa labas. "Paniguradong hinihintay na tayo niyon. Nababagot at naiinip na nga ata siguro iyon, eh."



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now