Chapter 8

4.5K 213 12
                                    

Chapter 8. Choice



"Good morning, ma'am!" bati sa 'kin ng mga crew.



Ngumiti ako sa kanila. "Good morning!"



I texted all of them yesterday morning na wala munang trabaho dahil may importanteng gagawin ako, iyon ay ang magpakasaya kasama ang mga kaibigan ko. Mabuti naman ay ayos lang sa kanila. Nakapag-ayos naman ako kahapon kaso biglaan ang pagpunta nina Ellai kaya no choice rin ako.



"Kayo na po ni sir Trevon, ma'am?" Tumili pa ang iilan sa mga crew nang nagtanong ang isa sa kanila.



Binalingan ko si Treice sa tabi ko na nakataas ng kilay sa akin. Ngumisi ako sa kaniya bago kinagat ang labi ko. Piningot niya lang ang ilong ko at hinarap ang mga crew.



"Yes, babies!" siya ang sumagot at kinindatan pa ang mga babae.



Napailing na lang ako sa kaniya. Playboy talaga! Sa harap ko pa siya lumalandi! Ewan ko ba kung kailan pa siya matututong maging seryoso sa isang babae. Kahit paulit-ulit niya nang sinasabi sa akin na seryoso siya sa akin ay hindi pa rin ako naniniwala.



Inakbayan niya ako at ginawaran ng mabilis na halik sa aking labi na mas lalo pang ikinalakas ng tilian sa loob ng shop ko. May iilang costumers pang napabaling sa gawi namin.



"Sige na, balik na kayo sa trabaho ninyo." utos ko na lang sa mga crew.



"Si ma'am talaga! Ang KJ mo, ma'am!" pabirong sabi ni Clourine, isa sa mga crew.



Napatawa lang ako. "Baka magalit pa ang mga costumer natin. Mamaya na 'yang tilian ninyo."



Hinatak ko na si Treice papunta sa pinakasulok na upuan at pinaupo siya roon. He encircled his arms around my waist while staring at me. Nakababa ang tingin ko sa kaniya ngayon at nakatayo ako sa gitna ng kaniyang mga binti.



"Work hard, baby, I will watch you." bulong niya.



"Oh really? Nandito ka man o wala, nagtratrabaho naman talaga ako nang maayos, 'no." sabi ko at inismaran siya.



"You're so lovely, what an adorable baby."



"Grabe ka, ah? Ginawa mo na akong bata." Lumabi ako 'tsaka yumuko at binigyan siya ng halik sa kaniyang labi. "And by the way, sa condo mo tayo mamaya. Nasarapan ako sa niluto mo kagabi sa akin kaya..." Hindi ko itinuloy ang sasabihin at kumibit-balikat lang.



Tumuwid ako ng tayo at luminga-linga sa paligid. Mabuti na lang ay may sari-sariling ginagawa ang mga tao sa loob kaya walang may nakatingin sa amin. Mapagkamalhan pa kaming PDA nito, eh.



Binalik ko na lang ang aking tingin kay Treice at natagpuan siyang nakatitig pa rin sa akin hanggang ngayon.



"I love your brown eyes, baby." he said whispery.



"Namana ko 'to kay mommy." I shared. "Si Zani nga, eh, blue eyes. Katulad mo. 'Yong isa ninyong kapatid ay kulay asul din daw ang kulay ng mata sabi ni Zani. Mukhang nagmana kayong lahat kay tito Aaron." puna ko lang nang mapaisip. "At ang panghuli, si Ellai... Her eyes are green, nagmana siya sa daddy niya. Her father is half German and half American."



"What about you?" he asked curiously.



"Hindi ko alam. Walang naibanggit sa akin si mommy, eh. Wala naman atang lahi si mommy. Sa kaniya ko lang naman namana ang mga mata ko." rason ko.



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now