Chapter 60

3.2K 113 10
                                    

Chapter 60. Fainted


"Hayan na! Hayan na!" sabay-sabay na kantiyaw nina Jessica, Strawberry, Zani, at Kim.


Unti-unti kong pinapaharap sa kanila ang pregnancy test na kagagamit ko lang. Tuluyan kong pinaharap sa kanila iyon at sabay-sabay rin silang napatalon nang makita ang resulta.


"Oh my God, Steris! Oh my God!" Zani exclaimed. "I am going to be a tita-mommy again!"


Napatauptop ako sa aking bibig dahil sa samu't-saring nararamdaman ko ngayon. Niyakap ako isa-isa ng mga kaibigan ko at binati ako sa pagdadalang-tao ko muli. I thanked them all and cried on their shoulders so hard.


It's been a year since I woke up from a coma and I am thankful to God for another blessing that came for today. I took pregnancy tests and it was positive. I am pregnant... again.


Ito ang pangalawang pagkakataon na nabuntis ako, pero sa ngayon ay hindi na maaaring mangyari pa muli ang nangyari noon dahil siguguraduhin kong hahaba ang buhay ng magiging anak namin ni Treice.


I hoped that I am really pregnant. May mga sintomas sa pagbubuntis akong nararamdaman at halos apat na buwan na rin akong hindi dinadatnan. I noticed also that my tummy's getting bigger. It was enough proof that I am carrying a child now. But... I have to make sure first.


Magpapa-check up ako at magpapa-ultrasound para malaman talaga kung nagdadalang-tao ako. Of course, I should be sure. Kaysa naman ipapaalam ko kaagad sa asawa ko na buntis ako. Paano kung hindi pala talaga? At paano kung aasa si Treice? I don't want to hurt him... anymore.


"Gawa tayo ng surprise party para sa asawa mo, girl!" suhestiyon ni Kim. "Pool party in your mansion is okay!"


Tumawa ako. "Nice idea, Kim, but I should be sure that I am really carrying a child."


"Ano ba 'yan, Steris! Sa lagay mong 'yan, nanghihinala ka pa? Of course! You are pregnant! Trust the PT! Trust us! Trust yourself! Trust kuya's sperm!" si Zani naman.


Humalakhak ako. "Siraulo ka talaga kahit kailan, Zan! Pati sperm ng kapatid mo ay idamay mo pa, ha!"


"Siyempre, paniguradong buntis ka talaga, eh! No doubts, Steris! Basta! Tonight, we'll going to surprise kuya! Pool party!" hiyaw ni Zani. "Ipakita mo lang later 'yang pregnancy test mo! Matik, mawalan ng malay si kuya niyan!"


"I agree, Steris," turan naman ni Strawberry. "Zani was right. We noticed the changes in your body also. Mabuti nga at bumabalik na sa dati ang katawan mo, eh."


I smiled. Linggo-linggo akong nagpapa-check up para sa kalusugan ko. Kumusta na kaya ang mental health ko? Okay pa kaya ako? May sakit kaya ako o ano? But with my husband, it feels like I'm fully recovered from my past. Sinasamahan ako ni Treice magpa-check up at siya palagi ang nagbabayad, ni piso ay wala talaga akong nilabas dahil siya ang gumastos lahat.


Pareho naman kaming may trabaho ni Treice. I am still working at my coffeeshop and he is still an engineer, striving so hard for our future. Hindi talaga ako nagkakamali na siya ang lalaking pinili ko. Hindi ko pinagsisihan na binigyan ko ng pagkakataon ang sarili ko na buksan ang puso't-isipan ko sa kaniya.


Hindi naman siya nagkulang bilang asawa sa akin, eh. Hindi siya nagkulang ng oras at panahon sa akin dahil halos lahat ay ilaan na niya para sa 'kin. Imagine, that... Having a husband who could endure you. Having a husband who accepted you despite of your awfulness. Having a husband who never judged your flaws.


I wanna ask God, why did he give me this kind of man? A man who valuate me, a man who loves me, a man who treasured me. Hindi ako masantong babae at isa akong makasalanang tao. Pero kahit ganoon pa man ay nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos dahil binigyan niya ako ng mga biyaya sa buhay ko.


Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now