Chapter 46

2.5K 106 33
                                    

Chapter 46. Child



Binilisan ko ang lakad ko at nang lumingon ako sa likuran ko'y nalaglag ang aking panga nang makitang walang nakasunod sa akin.



Mabilis na inikot ko ang aking paningin at hinanap si Phoenix pero hindi ko makita ang anino niya o siguro... hindi niya ako sinundan at nanatili siya roon sa loob ng coffeeshop ko.



Pumanhik patalikod kaagad ako matapos kong sabihin kay Phoenix na naroon sa loob ang asawa ko. Sinapo ko lang ang noo ko bago binaba ang aking palad sa aking tiyan at hinimas-himas iyon.



I'm so fucking stress out right now! Pa'no ba naman kasi, kararating ko lang dito kahapon at si Treice kaagad ang haharapin ko?



"Well? Well? Well? Looks who's there!"



Halos umusok ang ilong ko nang makarinig ng pamilyar na tinig ng isang babae. Umakyat lahat ng dugo ko nang harapin si Kissy Imasel sa likuran ko na nakakrus ang braso sa kaniyang dibdib at nakataas ng kilay sa akin ngunit nagbago ang kaniyang ekspresyon nang bumaba ang kaniyang tingin sa aking tiyan at pilit na lang siyang ngumisi sa akin.



"Ay? Nakakain ka ng bola?" mapanuring aniya. "Akala ko pa nga naman ay tuluyan ka nang maglaho, eh. Ba't ka pa kasi bumalik?"



Nagtimpi ako. "'Pag maging pangit ang anak ko, ikaw ang sisisihin ko. Ayoko pa namang maging kamukha mo ang anak ko, eh."



She snapped, "Oh? Really?" she mocked. "Alam mo, guminhawa ang buhay ko simula nang hindi kita nakita, eh."



"Bakit? Tinanong ko ba?" pambabara ko sa kaniya. "At saka, hindi ako interesado sa ginhawa ng buhay mo, okay?"



"Bitch," she muttered.



Ngumisi ako. "Don't worry, I will be forever a pest in your life, Architect. Dalawa lang ang dahilan kung bakit ka galit na galit sa akin kahit wala naman akong ginagawa, eh. First, inggit ka sa akin kasi mas maganda ako sa 'yo at mas mahal ako ni Treice. Second, ganoon din, hinati ko lang."



"Ang sama ng ugali mo, ano? Bakit ka pa ba pinakasalan ni Trevon, ha?"



Tumaas ang kilay ko. "Dahil mahal niya ako?" diretsa at patanong kong sabi. "Bakit? Hindi ba sapat na dahilan na mahal niya ako para pakasalan niya ako?" sarkastikong saad ko pa.



She gritted her teeth. "Nakakapuno ka na, alam mo ba 'yon?"



"Huh? Hindi, eh. Salamat na lang sa pag-inform sa akin na nakakapuno na pala ako. 'Yan kasi, eh. Kung hindi mo 'ko kayang harapin, matuto kang manahimik," kalmadong anas ko.



"Ang yabang naman ng putang ina na 'to," bulong niya na rinig ko naman. "You better file a divorce papers to your husband, Manager Laurent---"



"Mrs. Evans," I corrected her. "Kababanggit mo lang na may asawa ako, nakalimutan mo na kaagad?"



Sa halip na sagutin ako ay inirapan niya lang ako at pinasadahan ng tingin. Namilipit siya ng tawa nang tumigil ang kaniyang titig sa aking dibdib.



"Well, compared to you... I have two big boobs, huh?" she mimicked. "Magkakaanak ka na pero hindi pa rin lumalaki ang hinhaharap mo? Sayang, ha. Mas malaki pa rin talaga 'yong akin kumpara sa 'yo."



I smirked and nodded, agreeing to her. "Yeah, you're right, Architect Collins. You have that so-called big boobs." I even emphasized the last word I said.



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now