Chapter 44

2.5K 94 3
                                    

Chapter 44. Today



"Ugh!" Jessica groaned. "That's hurts, huh!"



Nilingon niya ang kaniyang pinsan at ngumisi kay Phoenix. Pinukol siya nito ng masamang tingin samantalang ako naman ay napailing sa kanilang dalawa. Mukhang magtataluhan na naman ang aso at pusa rito, ha.



"Friend zoned? Ouch?" Pabirong humawak pa si Jessica sa kaniyang dibdib. "Na-friend zone ikaw pala, Nix?"



Napahampas ako sa aking noo dahil sa lenguwaheng ginamit ni Jessica. Why don't she talk English directly instead? Ang conyo na nga niyang pakinggan, mali-mali pa ang grammar niya sa Tagalog. Halatang English-era talaga itong si Jessica, eh.



"Jessica stop using Tagalog language, it doesn't suits you," Phoenix told her. Inunahan na niya ako, ha. "You are a half Filipina but it feels like you're a pure American, huh?" panunuya pa niya sa kaniyang pinsan.



"Stop it!" Jessica hissed. "Ikaw nga, 'di knows how to pronounce 'mayroon', duh!" she fired back and rolled her eyes.



"Stop that, Jess! Before you judge me, why don't you correct your grammar in Tagalog first, huh?" dugtong pa ni Phoenix, hindi nagpapaawat.



Buong araw ay puno ng pang-aasaran, pangungulitan, at panunukso ng dalawa sa isa't-isa. Halos mabingi na ako dahil paulit-ulit ang pang-aasar nila sa isa't-isa at hindi pa sila nagsasawa, mas lalo pa nilang pinapahaba at pinapalala iyon.



Nang sumunod na araw ay pinarusahan ni mrs. Smith sina Jessica at Phoenix, sila ang pinatanim sa likod ng bahay sa mansion. Pinanood ko si Jessica na nangangalkal ng lupa habang nakatingin nang masama sa kaniyang pinsan. Inismaran naman siya ni Phoenix at patuloy na lang sa paglalagay ng abono.



"This is so gross! My hands are now filthy because of you!" Dinuro ni Jessica si Phoenix. "This is all your fault, cousin!"



"If you didn't add a fuel to the fire, then we shouldn't be like this right now!" Phoenix shouted back. "Why don't you just shut up and do your job, huh?! If an insect bite your tongue, blame yourself for being deafening!"



"Jerk!"



Tuwing narito talaga sa mansyon si Phoenix ay sobrang gulo talaga dahil walang araw na hindi nagtataluhan sila ni Jessica. Phoenix is staying here for days sometimes. May sariling kuwarto si Phoenix kaya roon siya nananatili sa tuwing mag-o-overnight siya rito.



Malaki at malawak talaga kasi ang mansyon at maraming silid na puwedeng pagtutuluyan dito kaya ayos lang sa kina mrs. Smith at Jessica tuwing may bisita na mag-o-overnight dito. Kahit ang mga katulong at guwardiya rin kasi ay may mga sarili ring silid.



Mabuti na lang ay tumahimik na nang umalis si Phoenix kinahapunan. Abot langit ang ngiti ni Jessica dahil wala na raw mang-aasar at mangungulit sa kaniya dahil napipikon na raw siya sa pinsan niya.



"Steris..." Jess called me and knocked on the door.



I am here, inside of my room and staring at my reflection on the lifesized mirror. Lumalaki na talaga ang tiyan ko at napagmasdan ko nang maayos iyon habang tinitingnan ang aking repleksyon sa salamin.



"Come in!" I shouted so Jessica could hear me from outside.



I heard the door opened, hudyat na pumasok siya. Nanatiling nakatitig lamang ako sa sariling sarili sa salamin, hindi tinapunan ng tingin si Jessica pero rinig ko ang yabag niya papalapit sa gawi ko.



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now