Chapter 17

3.5K 140 15
                                    

Chapter 17. Strawberry


Matapos kumain ni Jake ay kaagad siyang pumaalam sa amin para umalis. Susuyuin niya raw kasi ang girlfriend niyang si Strawberry. I don't know why I found it cute.


Mas maganda pa rin kasi talaga na ang lalaki mismo ang sumusuyo sa babae. It's not that I'm talking about gender inequality. Puwede rin naman na babae ang sumusuyo at puwede ring lalaki pero para sa akin ay mas maganda kung lalaki mismo.


"What's your plan for today? Magtratrabaho ka ba ngayon?" tanong ni Treice nang pumasok siya sa kuwarto namin.


Nakaupo ako sa kama at tinutupi ang kumot na ginamit namin. Sinulyapan ko lang si Treice at muling binalik ang atensyon sa ginagawa. Lumapit sa gawi ko si Treice at umupo sa harapan ko. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang ginagawa.


"Can you take a leave for a day again?" he favored. "Let's spend our day today, babe, doon ka muna sa opisina ko sa site."


Umirap ako. "Like I said, I am going to help my staffs for remaking a new design for my shop. Sa susunod na lang kapag hindi na ako masyadong busy."


"Okay, ako na lang muna ang hindi papasok sa trabaho ko---"


"Akala ko'y ipapakita mo sa Architect mo 'yong blue prints mo?" sarkastikong saad ko.


"Bukas na lang, babe. And... Kissy is not my Architect, okay? Tatawagan ko lang o baka gusto mong ikaw ang tatawag sa kaniya?"


"Bakit ko naman gagawin 'yon? Malay ko bang may pag-uusapan pa kayo maliban doon?" mapanuya kong sabi, nagdududa.


Bumuntong-hininga siya at may nilabas galing sa bulsa ng suot niyang short. Napatingin ako roon at nakitang cellphone niya iyon. Tinaasan ko lang siya ng kilay bago inirapan.


"Aanhin ko 'yan?"


"You can have my phone, let's exchange phones so... we can be aware."


"Aware? Saan?" Humalakhak ako. "Sa 'yo na 'yang cellphone mo. Ikaw lang naman itong babaero, eh." Inismaran ko siya.


"Okay, I was just a playboy. At..." Inabot niya ang cellphone niya sa akin. "Kuhanin mo na lang ang cellphone ko, sa 'yo muna 'yan hanggang sa mapanatag ang loob mo. My laptop is inside my bag, you can get it there and my password is your name."


Namula ako. "Aywan ko sa 'yo. Eh, 'yong Architect mo, kilala ba ako niyon?"


He nodded immediately. "Of course, sinabi ko sa kaniya na may girlfriend na ako at ikaw 'yon. I told her a lot about you."


"Pero bakit nang pumunta siya rito ay parang hindi niya ako kilala? Halos parang wala lang ako, eh. Parang hindi niya lang ako nakita."


He sighed heavily. "I am sorry about her, okay? Gano'n naman talaga siya, hindi niya gusto na siya ang unang babati sa hindi niya ka-close."


"So... ako ang mag-a-adjust?"


Napasabunot siya sa kaniyang buhok. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Gano'n talaga siya, Maris, kaya pagpasensyahan mo naman sana."


"Okay, I will excuse myself first. Hindi muna ako papasok sa trabaho, sasama na lang ako sa 'yo."


Sumilay ang isang ngiti sa kaniyang labi. "Really? Okay? Ang bilis naman magbago ng isip mo."


"Ipakilala mo 'ko sa Architect Collins na 'yon. Sabihin mo na girlfriend mo 'ko at off-limits ka na." I commanded. "Mukhang may gusto 'yon sa 'yo, eh." I added irritatedly. I suddenly got pissed off because of it.


Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now