Chapter 39

2.6K 102 32
                                    

Chapter 39. Leave



Mabilis na nagtago ako sa likod ng aking sasakyan nang makita silang patungo sa gawi ko at mukhang dito sila dadaan. Nasa baywang ni Ellai ang braso ni Treice at ginagabayan ng asawa ko ang kaibigan ko nang silipin ko sila. Umiwas ako ng tingin bago sumandal ako sa sasakyan ko 'tsaka tinikom ang aking bibig. Sa hindi inaasahan, dito sila tumigil sa nakaparadang sasakyan ko.



"Is this Steris' car?" I heard Ellai's soft voice.



"Yup. Nasa unit ko siya siguro, hindi kasi siya pumasok sa trabaho, eh," si Treice.



"I am sorry for this trouble, Trevon," si Ellai naman. "H-Hindi ko talaga inaasahan na mangyari 'to, eh."



"This is not a trouble to me because your child is an Evans, Ellai."



I gasped when I heard it unexpectedly. I covered my mouth to stop myself from crying. Nanlalambot na ako at hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Ellai's child is an Evans? Buntis si Ellai at... hindi. Namali lang ang pandinig ko, hindi ba? Namali lang, hindi ba?



"Dapat lang na gabayan kita at pakisamahan dahil kadugo ko ang dinadala mo," dugtong pa ni Treice.



"I don't want to disappoint your wife and your sister, Trevon, I don't want to disappoint my best friends. Sobrang natatakot ako kapag malaman nilang nagdadalang-tao ako." Ellai's voice shaken. "I don't know what to do anymore. Ba't kasi ang tanga-tanga ko?"



"Ellai, stop thinking about that," Treice consoled her. "Just think positive, Ellai. Maaapektuhan si baby niyan. Alam mo, dapat tumawa ka, eh. Do you want me to make you laugh?"



Kinagat ko ang labi ko habang nakikinig sa kanila. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko sa aking mga mata. Bakit? Bakit ganito? I wish, this is just a dream. Sana isang panaginip na lang ito, eh. Treice, he's my husband and Ellai, she's my best friend ever since I was in college. Both of them are important and special to me.



Medyo malaki na ang tiyan ni Ellai, ibig sabihin ay matagal na siyang buntis, matagal na siyang nagdadalang-tao. Noong huli naming pagkikita ay buntis na siya niyon. She was one of the guesses on our wedding day and she's pregnant that time. Why I didn't notice it?



"Feel ko, magiging kamukha ko 'yang dinadala mo!" I heard Treice said to Ellai jokingly.



Ellai laughed. "Nagsisimula ka naman, Trevon, ha. Bakit namang magiging kamukha mo ang anak ko? Eh, ang pangit-pangit mo."



"Pangit ka riyan?! Eh, hampas ko kaya sa 'yo 'yong listahan ng mga babaeng baliw na baliw sa akin dahil guwapo ako, ha?" si Treice, natatawa pa rin.



"Sige, subukan mo 'kong hampasin, magkakamatayan tayo rito!" Ellai joked. "Eh, ano na? What made you think na makamukha mo ang pinagbubuntis ko, ah?"



"Siyempre, bukod sa may dugo siyang Evans, mukhang ako ang pinaglilihan mo."



"Asyumero ka naman, Trevon!"



I covered my ears for me not to hear anything from them anymore. I just turned my back and walked away. Bakit ang saya nila? Bakit ganoon sila? Bakit parang matagal na silang magkakilala at nagsasama? I don't get it! Why?



Everything I heard was enough! Patunay na iyon na isang tanga ako! But I'm still wondering... paano sila naging close nang ganiyan?



Damn, I wanted to cry so loud. Gusto kong ilabas ang hinanakit ng dibdib ko. Kaya pala hindi na nagpapakita at nagpaparamdam si Ellai sa amin dahil buntis siya? Ganoon ba? I never imagined my friend lying to me like this! Ang saya nila, tila sila pa'ng mag-asawa.



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now