Chapter 1

308 35 67
                                    

ALYARETTE SALGUERA

TODAY IS MARCH.Nandito kami ngayon ni kuya West sa Twin Cove Resort Hotel located in Olongapo, Zambales.Dala ko pa ang maleta ko dahil dito kami magi-stay for three long months.

Lima kasi kaming magiging college na in the next school year kaya nagdesisyon silang magkaroon naman ng vacation, noon kasing highschool pa lang kami at senior highschool naman ang mga nakakatanda sa grupo ay panay swimming swimming lang.

And now?Pwede na mag-overnight!

"Saang batur kayo?" tanong ni ate Euna dahil 'yon ang tawag sa mga kuwarto rito.

Lima pa lang kaming nandito dahil nagsusunduan pa raw 'yung iba sa van.Si Ceon lang ang ka-edaran ko which is boyfriend ko rin, the other three are older ones which are ate Euna, kuya Ked and Kuya West.

May anim pang wala.

"Batur 706 si bunso, dalawa 'yung kama doon," kunot noo ko namang nilingon si kuya.

"Sinong kasama mo kuya?" tanong ko kaya umakbay naman siya sa akin.

"Magkakasama kami nina Hash at Vorgrain, si Ceon ang kasama mo," sabi niya habang nakangiti kaya napatango tango ako.

"Hello!" napalingon naman kami at saktong dumating sina Jess.

Humiwalay muna si Kuya at kinausap 'yung iba, kumunot ang noo ko nang makita ang kuya ni Ceon - ganoon pala ang itsura niya?

"Carry my bag in Batur 706," inihagis ni Ceon sa akin 'yung bag niya kaya agad ko 'yong sinalo.

"Ceon teka-" hindi na natapos ang sasabihin ko dahil tumalikod na siya at nakipag-usap kina ate Euna.

Napa buntong hininga na lang ako at naglakad papunta sa mga room at saka pumasok sa isang gilid kung na saan 'yung Batur 706.

Gamit ang susi na kanina ko pa hawak ay binuksan ko 'yon, malawak ang kuwarto.May isang wooden closet at sa kaliwa non ay may vanity, may dalawang kama at sa harap naman ay may television.

Sa kaliwa ng pinto ay may bathroom, kita naman sa gilid ang secured na bintana na kapag hinawi mo ay makikita mo 'yung mataas na view.Thank goodness at may aircon din!

"Ang tagal mo naman?" napalingon ako sa pinto dahil nandoon si Ceon.

"Sorry tinignan ko lang kasi-" he cut my words off.

"Hurry up at maglu-luto pa sa cottage, pinapatawag ka ni ate Mae at gusto kang ma-meet." napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Eto na-"

"Don't embarrass me in the cottage, get it?" agad naman akong tumango sa sinabi ni Ceon.

When we are leaving that room, I was about to hold his hand but he refused and walk away.I just slowly nodded and followed him.May nadaanan pa akong pool na hindi lalagpas sa ulo ko ang lalim ng kalahating bahagi kaya napangiti ako.

Landed In Summertime | Completed ✔Where stories live. Discover now