She's stuck with her abusive boyfriend, she stayed beside him out of conscience that she misunderstood as love.Then a laconic man join their vacation just for her.
Alyarette Salguera grew up under her grandmother together with her lovely brother.She...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
WESTER HEIGL SALGUERA
"TATLO pong order ng lugaw" saad ko sa tinderang nagba-bantay
"May itlog?" tanong naman nito
"'Yung isa lang po" sagot ko dahil si Alya lang naman ang may gusto sa itlog na nasa lugaw
"I'd like to order one please, with egg" napalingon naman ako sa pamilyar na boses na 'yon
Kumunot ang noo ko dahil 'yon ang doktor na nag-bigay ng inhaler kay bunso, nang mapansin niyang nakatingin ako ay nilingon niya din naman ako.
"Yes?" masiglang tanong nito
"I'll give you the inhaler once I got back—" he cut my words off
"No, you can keep it dahil mukhang kailangan naman ng kapatid mo.." paliwanag niya pero umiling ako
"Do you own that inhaler by any chance?" tanong ko na kaagad niyang sinang-ayunan
"Yes, sometimes we have to run inside the hospital dahil sa madaming pasyente so I always carry it around but it's easy for me to buy another one so she could keep that" hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa presensya ng lalaking 'to
"Why do you look like you know my sister?" tanong ko pang muli "Sorry ah?You're kind of creeping me out"
"No, don't worry.. she just looks like someone I knew" saad nito at umiling
Magta-tanong pa sana ako nang dumating na ang order ko na ngayo'y naka-plastic pa.
"Tatlong lugaw at may isang itlog" abot nito saakin kaya nag-bayad naman ako
Dama ko pang nakuha non ang atensyon ng doktor pero hindi kona siya binalingan pa, kinuha kona ang order ko bago tinakbo ang distansya ng karinderya na 'yon saka ng ospital dahil sa malapit lang naman.
Pumunta ako sa silid kung nasaan sina bunso at naabutan ko naman itong nasa tabi ni lola habang nanonood sila ng television na naka-display doon.
"Kain muna kayo la" sabi ko at binuksan ang mga lalagyan sa side table
Inabutan ko naman si bunso para makakain na siya at inalalayan ko naman si lola na maka-upo para makakain na siya.
"Hindi ba't nasa bakasyon kayo?" nakangiting tanong ni lola saamin
"Nag-alala kami lola saka ayos lang, nakapag-enjoy naman na kami" nakangiti kong sagot dito at tumango tango naman si Alya bilang pag-sang ayon para hindi na mag-alala pa si lola
"Kamusta pala ang araw niyo doon?Saka 'yung kasintahan mong Ceon ba iyon?" tanong nito at halatang natigilan naman si Alya
Maging ako ay hindi alam ang sasabihin, naging close din ni Ceon si lola nang dahil sa panliligaw niya noon.Mabait na bata siya noon kaya hindi ako makapaniwalang ginawa niya lang 'yon para sa pansarili niyang kapakanan.