CHAPTER 37

78 23 3
                                    

ALYARETTE POVENMIRE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALYARETTE POVENMIRE

KAHAPON ay namilit si Vorg na sa bintana na dumaan dahil nga makikita siya ni papa na galing sa kuwarto, pumayag nalang ako't hindi pa naman kami ayos.

Pero hindi nga yata titigil ang mokong dahil nandito nanaman siya sa bahay namin, he even brought foods na galing sa fastfoods at natutuwa naman ako na kahit mayaman siya ay hindi siya nagfe-flex kay papa.

Kung ano lang ang nakasanayan namin ay sinasabayan niya lang, I even saw papa smile kasi matagal tagal na din nang makakain kami sa mga fastfoods puro kasi kami lutong bahay dahil mahilig mag-luto si papa.

Bilang bawi sakaniya ni papa ay nilutuan siya nito ng menudo, pinanood ko naman siyang tikman 'yon.

"This is so good tito, what's—I mean.." natigilan naman siya at binalingan ako

Pero pareho lang kaming lumingon kay papa nang bigla itong humalakhak.

"Alam ko namang anak mayaman ka, menudo ang tawag r'yan" saad ni papa kaya napangiti naman ako

"First time mo maka-tikim ng menudo?" tanong ko naman at umupo sa tapat na upuan "Ano pala mga ulam n'yo?"

Napa-hawak naman siya sa batok, "Kartoffelpuffer and bratkartoffeln.. currywurst.. schnitzel.."

Napatanga naman ako sakaniya dahil ni isa doon ay wala akong maintindihang putahe, nilingon ko si papa at halos pareho kami ng reaksyon sa mga binanggit nito.

"Rette, you should cook more foods pala para sa kasintahan mo at silver spoon nga" saad ni papa saakin kaya pabiro ko siyang hinampas

Silver spoon raw kesyo puro pang mayaman lang ang mga kinakain, pang mayaman ba 'yon?Hindi ko alam 'yun eh.

"Hindi ko nga siya kasintahan papa" saad ko naman at tumayo

Tumabi naman ako kay papa sa kitchen at naisipang mag-tingin sa ref, nakakita naman ako ng tahong kaya tinapik ko si papa.

"Gusto n'ya kaya 'to?" tanong ko kaya lumapit naman siya

"Vorgrain, gusto mo pa makatikim ng iba?" tanong ni papa kay Vorg

"It's fine po, but I might not finish it?" sagot naman ni Vorg rito

"Wala ka bang kapatid na puwedeng dalhan sa bahay?" tanong ulit ni papa sakaniya

"I do have.. i'll let them taste it" saad ni Vorg at nag-patuloy sa pagkain ng menudo

Habang nilu-lutuan ko ng tahong si Vorg ay nag-paalam naman si papa na may urgent call daw sa hospital, Vorg even force him to carry the foods mukhang aayaw pa sana si papa dahil kakain din daw ako.

"Hindi ko naman puwedeng dalhin 'to lahat" sabi ni papa

"At bakit papa?" taas kilay ko namang tanong

Landed In Summertime | Completed ✔Where stories live. Discover now