Chapter 4

131 30 16
                                    

ALYARETTE SALGUERA

AS we go back to the cottage, sinalubong kami nina ate Mae saka kami nito sinimulang bigyan ng responsibility.

"Kunin niyo sa baba 'yung ibang gamit sa van such as rice cooker-" kuya West cut ate Mae's words from afar.

"Ah no, huwag niyong isama si bunso - asthmatic 'yan bawal din magbuhat ng mabibigat sige na" lumapit siya saamin at inaya sina Riva "Bunso ikaw na lang mag-ayos doon sa lamesa"

"Sige kuya" pagsang ayon ko naman.

Sabay sabay silang bumaba doon sa kabilang parte kung saan naman naka park 'yung sasakyan ng mga bisita rito sa resort.

Hindi naman mahagip ng mata ko si Ceon kaya naisip ko na lang na tumutulong din siya sa gawain dahil lahat naman kami ay may ginagawa.

Inilatag ko sa mahabang mesa 'yung dala nilang dahon ng saging dahil magboboodle fight daw kami, mabilis din silang nakaakyat pabalik at may dala nang letchon si Vorg at kuya Hash.

"Kunin niyo 'yung kanin sa baba" sabi ni kuya Ked kina Vorg.

Minsan lang talaga makipag-usap si kuya Ked at sa totoo lang?Masungit talaga 'yan sa lahat, kay ate Euna lang siya mabait.Ang sweet ano?Hope all, joke.

"Nasa van din?" tanong ni Riva na agad nilang tinanguan.

"Ako na sa softdrinks" pagpresinta naman ni ate Mae.

Napagdesisyunan kong bumalik sa batur namin dahil balak kong kunin 'yung salamin ko para mas malinaw kong makita 'yung mga gagamitin namin.

I was about to open the door when I realized it was locked, I also heard footsteps inside kaya kumunot ang noo ko.

"Ceon?Can you open the door?May kukunin kasi ako-" natigilan ako sa pagsasalita nang bumukas ang pinto.

Si Ceon ang nagbukas nito, malalim ang bawat paghinga niya tila ba hinihingal.Magulo rin ang buhok niya maging ang polo niya.

"Ayos ka lang?" tanong ko at dere-deretsong pumasok sa loob.

Nilingon ko ang kama niya at magulo rin 'yon.

"Ceon?Bakit magulo 'yang kama mo-" he cut my words off again.

"Why do you care?" sigaw niya kaya nanahimik ako.

"Nagtatanong lang" bulong ko naman.

Halos mahigop ko na ang sarili kong hininga nang lumapit siya at pilit akong iniharap sakaniya saka niya ako malakas na sinampal.Napanganga ako sa ginawa niya dahil hindi rin ako makakuha ng magandang rason kung bakit n'ya 'yon ginawa.

"Pinaghihinalaan mo ba ako ha?'Di ba't ikaw 'tong nakikipagharutan sa kuya ko?!" hindi ako sumagot kaagad dahil hindi pa rin ako maka get over sa sampal niya.

Ginagawa niya na 'to noon eh, dapat sanay na ako.

"No, i'm sorry at wala naman akong-" hindi niya nanaman ako pinatapos magsalita.

"Get what you need from here and get out" he even slam the vanity table "Make it quick!"

Mabilis ko namang kinuha ang salamin ko saka naglakad palabas, magpapaalam pa sana ako nang saraduhan niya ako ng pinto saka iyon inilock.

Ano bang problema n'ya?Saka hindi ko naman nilalandi 'yung kuya niya, alam naman ni Ceon na siya 'tong boyfriend ko.Hindi ko naman alam anong uri ng assurance pa 'yung gusto niyang ibigay ko sakaniya.

Isinuot kona lang ang salamin ko saka bumalik doon sa cottage, tumulong na rin ako sa paglalagay ng baso sa isa pang maliit na mesa para sa drinks.

Landed In Summertime | Completed ✔Where stories live. Discover now