CHAPTER 36

73 24 0
                                    

ALYARETTE SALGUERA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALYARETTE SALGUERA

MASAKIT man ang ulo na tila ba binibiyak iyon ay pilit kong iminulat ang mga mata ko, bukas ang aircon ko at gusto ko ang lamig na nararamdaman ko pero himala namang hindi ako sinisipon.

Lumingon ako sa side table at sakto namang may gamot at tubig na naka-handa doon na kaagad kong ininom, doon kona napansin ang gloves na suot ko.Itinaas ko ang kumot ko para makitang naka-suod din ako ng medyas at pajama.

Paanong.. naka-dress ako kagabi ah?

Tumingin muli ako sa side table at may nakita naman akong naka-tuping papel doon kaya kinuha ko 'yon, I just realized that it was a handwritten note.

' Bonjour Chérie,
Did you sleep well?Gloves and socks can warm you up a bit, i've missed you and would love to hear the whole song,

Vorg.'

Natigilan ako nang makita ko kung kanino galing ang letter na 'yon, ibinalik kona lang sa mesa ang sulat at sinubukang hindi pansinin.Kahit pa lasing ako kagabi ay hindi naman ako ulyanin para hindi maalala ang ginawa niya sa sarili niyang party.

Tumingin ako sa wall clock at napag-tantong seven pa lang pala ng umaga kaya napa-kamot ako sa ulo at dahan dahang tumayo para hindi na sumakit ang ulo ko.

"Anak?" rinig kong tawag ni papa mula sa kabilang side ng pinto ko

"Bakit papa?" sagot ko para malaman n'yang gising na ako

"May bisita ka, baba ka muna" mahinahon nitong sagot

Nasundan naman 'yon ng mga yabag niya palayo sa kuwarto ko't pababa mula sa second floor ng bahay.Tumayo ako't humikab bago pumasok sa comfort room ng kuwarto ko.

I did my morning routine then brush my hair as I tie it up again, lumabas na ako ng kuwarto at sumilip sa baba, mukha ngang may ibang tao dahil nakikita ko si papa na naka-tayo sa isang hilid habang may hawak na kape.

Naririnig ko ding may sinasabi siya sa kausap n'ya na nasundan naman ng pag-higop sa kape, nagulat ako nang tumingala si papa kaya sinenyasan niya naman akong bumaba.

"Baba na anak" anito at inilapag ang kape niya saka ako sinalubong sa hagdan

Bumaba naman ako para salubungin si papa at agad ding napa-hinto nang makita kung sino ang kanina n'ya pang kinakausap.

"May mga dala siyang designs dito anak, hindi ba gusto mong maging model?" iniharap niya naman saakin ang isang sketch pad "Hindi mo sinabing may modeling agency pala itong kasintahan mo"

Landed In Summertime | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon