CHAPTER 25

86 25 6
                                    

WESTER HEIGL SALGUERA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

WESTER HEIGL SALGUERA

I'M currently packing my things at hindi ako nagda-dahilan lang para ma-ilayo si bunso kina Voz, tumawag si inang Pret na itinakbo daw sa ospital si lola ngayong araw na 'to kung kaya't kailangan naming umuwi.

Pero wala akong balak i-paliwanag sa iba ang nangyayari sa buhay namin, kailangan kong mag-sinungaling dahil baka mag-bigay sila ng pera para lang tulungan kami at wala din akong balak tanggapin 'yon.

Masiyado na silang maraming na-itulong saamin ni bunso kaya hindi na kakayanin pa ng konsensya ko ang mga susunod nilang balak i-bigay.

"West?Anong ginagawa mo?" tanong ni Hash na siyang kararating lang sa batur

"Mauna na kami umuwi pre" narinig ko naman ang pag-bugtong hininga niya

"Naiintindihan ko, masiyado lang siguro kayong na-disappoint pero tumawag ka pre pag-dating niyo sa bahay ah?Safety muna" rinig kong sabi niya kaya napalunok ako

Mabuti at 'yon ang naisip niyang dahilan kaya hindi kona kailangan pang ma-frustrate, sasabihin kona lang sa group chat namin ang mga nangyayari kapag ayos na ang lahat.

Kapag hindi kona kailangang humingi ng tulong, kakayanin pa naman siguro ng budget ko ang bills ni lola at kaya pa naman siguro ng sidelines na trabaho dahil bakasyon pa rin naman.

"Salamat sa pag-intindi" sagot ko nalang

Tinulungan niya naman akong mag-tupi ng damit para mag-kasiya 'yon sa malaki kong bag, sinamahan din ako nitong mag-check kung may nakalimutan pa ba ako.

"Ikaw nalang mag-sabi sakanila pre ah?Nagma-madali kami at mahirap sumakay pauwi" pagda-dahilan ko pa

"Ako bahala, puntahan mo na si Alya" tinapik niya pa ang balikat ko kaya ibinalik ko 'yon bago lumabas sa batur

Paakyat na ako nang masalubong ko si Mae, hindi naman siya nag-dalawang isip na yakapin ako habang umiiyak kaya ganoon din ang ginawa ko.Hinagod ko ang likod niya para patahanin siya.

"I'm sorry West" sambit niya kaya hinalikan ko ito sa noo

"It's not your fault, i'll text you right after we leave" saad ko naman

I was about to walk right pass her when she suddenly kissed me on the lips before hugging me again and leaving me dumb founded, did she just?

"Mag-iingat kayo West" saad niya at tuluyang umalis sa harap ko

Bumalik naman ako sa wisyo at pumunta na sa batur nina bunso, balak kona sanang pumasok nang marinig ko ang boses ni Voz.

"Are you leaving because of what happened?Alya i'm still here—" for the first time in my life I heard him talk that long

"Please Vorg, this is an emergency" rinig ko namang sagot ni bunso habang humihikbi

"Emergency?What emergency?Leaving?" sunod sunod na sabi ni Voz sakaniya

Landed In Summertime | Completed ✔Where stories live. Discover now