Chapter 2

144 32 3
                                    

ALYARETTE SALGUERA

"ALYA!"

Pareho kaming napa lingon ni Vorg doon sa tumawag sa akin, I smiled and waved my hand to kuya West.Siya 'yung tumawag sa akin.

"Hello kuya!" sigaw ko pabalik.

"Voz, ilapit mo nga 'yung kapatid ko rito!" sigaw ni kuya West kay Vorg.

Nang gumalaw na si Vorg ay humigpit ang paghawak ko sa buhok niya dahil nga nakaupo pa rin ako sa balikat niya.He just walk on the water towards kuya West, nang makalapit na kami ay inilapit lang sa akin ni kuya West 'yung barbeque.

"Kagat lang, bawal dalhin diyan sa pool" aniya na agad kong sinunod "Oh kumagat ka din gago baka ihulog mo pa kapatid ko eh"

Natatawang pinakagat ni kuya ng barbeque si Vorg saka siya naman ang kumagat.

"Anong nangyari diyan sa noo mo kuya?May sugat oh" saad ko at itinuro ang noo niya gamit ang isa kong daliri.

"Ah sa tubig 'yan kanina sa banana boat, masakit kasi hampas ng tubig doon eh ako na sa front row" sabi niya kaya tumango tango ako "Oh siya balik na ako at may isa pa raw silang sasakyan na inflatable rides din, hindi ka talaga sasama Voz?"

"Nope" simpleng sagot lang ni Vorg habang nakahawak pa din sa hita ko.

"Why?Baka ayaw mo lang sumama kasi nandito si bunso?Ako na lang sasama sa kaniya, sumama ka na sa kanila" presinta pa ni kuya.

Akma pang hahablutin niya ako pero umatras lang si Vorg kaya nagkaroon kami ng distansya.

"On fait quoi ce soir?" (What are we doing tonight?) mahinang sabi ni Vorg dahil ganoon lang naman talaga kalakas ang boses niya.

Pero ano raw ang sabi?Ano bang language 'yon?

"Bonfire ata, irerequest pa nila" sagot lang ni kuya sakaniya.

"Fait chier" (Fuck it)

Natawa lang si kuya sa sinabi ni Vorg bago nagpaalam saamin.

"Sige na, sakay na kami ah?Baba ka na lang kapag gusto mong sumama" kumaway lang si kuya kaya ganoon din ang ginawa ko.

Landed In Summertime | Completed ✔Where stories live. Discover now