CHAPTER 29

70 27 0
                                    

ALYARETTE SALGUERA

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

ALYARETTE SALGUERA

MATAPOS ang shift sa karaoke bar na 'yon na saktong alas dose ng midnight ay pinag-pagan ko ang damit ko matapos na hubarin ang apron.Katatapos ko lang kasing tumulong sa pagli-linis at pagli-ligpit nila sa bar.

"Sasabay kana ba o mauuna na ako?" tanong ni Mateo na bitbit ang gitara niya

"Mauna kana muna, kay lola ako pupunta" nakangiti kong palusot para hindi na siya mag-sabi kay kuya

"Ingat nalang ah, una na ako" tinanguan ko lang siya na agad niyang ibinalik bago siya naunang umalis

Bumugtong hininga naman ako at kinuha ang bag ko saka isinukbit iyon sa balikat, lumabas na ako ng karaoke bar at kaagad naman akong sinalubong ng katamtamang hangin at tahimik na paligid.

Maliban sa isang 'to.

"Alyarette" tawag niya saakin

"Ano ho bang pag-uusapan Doc?" tanong ko kay Doc Mox

Nagawa namin siyang mapaki-usapan kanina pero hindi naman ako marunong sumira ng pangako kaya heto ako ngayon sa harap niya na handang marinig ang sasabihin niya.

"Do you wanna eat nearby the hospital first?" alok nito kaya wala naman akong nagawa kundi ang pumayag nalang

"Sige po"

Sumakay naman ako sa kotse nito at mabilis siyang nag-maneho papunta sa malapit na karinderya na kadalasang pinaga-almusalan namin ni kuya.

"Pasensya na sa istorbo" unang sabi niya nang mapag-buksan niya ako ng pinto

"Ayos lang po.." sagot kona lang at tuluyang lumabas sa kotse niya

Pumasok naman kami sa karinderyang hindi ganoon karami ang tao, umorder siya ng barbeque, rice at drinks para saaming dalawa bago kami pinaupo.Habang naghi-hintay ng order ay hindi ko naman maiwasang mag-tanong kaagad.

"Ano po bang kailangan niyo saakin?Sino po ba kayo at bakit lagi kayong nakasunod?" sunod sunod kong tanong na ikinatawa niya

"I guess you really did adopted Liliya's personality" natigilan naman ako nang dahil sa sinabi nito

"Paano niyo po nakilala ang mama ko?" mabilis kong tanong dahil sa hindi ko naman siya kilala

Hindi ko naman kasama ang mama ko kung kaya't hindi ko alam kung papaanong kilala niya ito.

"Don't you think that I am your father?" lalo naman akong natigilan sa tanong niya

Nag-isang linya ang kilay ko bago ako umiwas ng tingin nang dahil lang sa simpleng tanong na 'yon.

"Wala na po akong tatay, wala akong kinilalang tatay sa buong buhay ko" nakita ko naman sa peripheral vision ko kung paano siya natigilan sa sinabi ko

Landed In Summertime | Completed ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora