CHAPTER 46

53 24 9
                                    

ALYARETTE POVENMIRE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALYARETTE POVENMIRE

SINABIHAN kona sina Thomas at Riva na iwan nalang ako dahil ayokong ma-istorbo pa sila, hinahanap ng paningin ko si kuya dahil gusto ko sanang mag-paalam.

"Kuya" tawag ko

Napatayo naman siya dahil ngayon lang ako nag-salita mula nang araw na 'yon at ngayon ko lang siya kinibo.

"Bunso, nagugutom ka ba?Anong gusto mo?Drinks?Saan mo gustong pumunta?Gusto mo na ba umuwi?" sunod sunod na tanong niya

Walang ekspresyon lang akong umiling at lumunok saka yumuko.

"Gusto ko sanang mapag-isa, gusto ko munang umalis" sagot ko

Napalitan naman ng takot at pag-aalala ang mga mata ni kuya kaya kaagad ko siyang inilingan ulit para i-assure siya.

"Magiging ayos lang ako kuya.. please" pagmamakaawa ko dahil ayoko talagang napapalibutan ako ngayon

Unti unti at dahan dahan siyang tumango saka nag-bugtong hininga at niyakap ako, matapos non ay umalis na ako doon dahil tinandaan ko talaga ang daan habang nasa sasakyan kami kanina kahit tahimik ako dahil ito talaga ang balak kong gawin.

Hindi ko sila kayang kibuin at hindi ko din naman kayang mag-stay doon na walang sinasabi, para pang obligado pa tuloy silang alagaan ako dahil lang kaawa awa ang itsura ko ngayon.

Bumili ako ng itlog na pula at kamatis saka 'yon hinati hati sa kusina ng dati naming tinitirahan na bahay ni kuya, inilagay ko 'yon sa iisang bowl at hinalo dahil 'yon pa lang ang gusto kong kainin sa ngayon.

Inilapag ko sa mesa ang bowl saka iyon inilapag sa mesa namin sa labas dahil nga mainit sa loob ng bahay, pumasok ako saglit sa loob para kumuha ng isang bote ng tubig at natulala naman ako sa labas pagkabalik ko.

Pinanood ko 'yung aso na kainin mula sa bowl 'yung hinati hati ko, tumakbo ako at binugaw 'yung aso dahil kung ikukumpara din ako sakaniya ay pareho kaming gutom.Out of nowhere, I found myself crying over an egg.

Padabog ko namang binato 'yung bowl sa sahig na siyang agad na nabasag kasama nung tira tira dahil sa inis, nag-simula naman akong umiyak dahil sa galit ko.Kanina pa ako nagugutom tapos ganoon lang ang mangyayari?Ni ngayon ko lang nakita 'yung asong 'yon dito!

Nag-ring naman ang phone ko kaya walang gana ko 'yong sinagot, wala nanamang boses sa kabilang linya.Ngayon na lang ulit 'to tumawag.

"Sino ka ba ha?" sumisinghot na sabi ko "Namatayan ako, alam mo ba 'yon?Pero hindi ako naniniwalang patay na siya, buhay pa, buhay pa si Vorg"

Wala pa ring sumasagot sa kabilang linya.

"Oh baka naman bumalik siya sa oras na naka-move on na ako sa mga nangyayari ngayon?Ha, maybe i'm being paranoid na" natatawa kong sabi

Landed In Summertime | Completed ✔Where stories live. Discover now