CHAPTER 53

58 23 7
                                    

ALYARETTE POVENMIRE

NAGISING ako nang dahil sa tunog ng alon, halatang bukas ang mga bintana ng cabin dahil ang linaw sa pandinig ko ang nasa labas.

"Gising ka na pala" napalingon ako sa kanan ko at napagtantong katabi ko pala si Yim

"Yim" bumangon ako nang makita ko siya

Kaunti na lang ang hapdi sa pagitan ng hita ko pero wala na akong sakit na nararamdaman sa biyas na parte, siguro ay dahil na rin sa pag-hilot ni Vorg doon kahapon kung tama ang bilang ko sa oras.

Nilingon ko ang bedsheets at kulay asul na iyon, puti iyon kahapon kaya paniguradong may dugo doon.Tinignan ko naman kung may saplot ako, mabuti na lang at naka malaking t-shirt ako..

Na hindi naman saakin.

"Goodmorning, ayos ka na ba?Kamusta sugat mo?" nag-aalala kong tanong

Ayoko namang lumayo ang ginawa ni Vorg sakaniya dahil baka mapaano siya.

"Ayos naman, magaling nurse dito kaya hindi na siya masiyadong masakit Aly.Pinalitan mo pala ang bedsheets, naligo ka ba kahapon?Sorry ginabi ako" mahaba niyang paliwanag

"Ah oo pero sa bathroom lang, kain na tayo almusal?" alok ko para hindi na siya lumayo pa sa tanungan

"Sure, I actually want to recommend something to you sa menu nila"

Inalalayan niya akong makatayo nang mapansin niyang nahihirapan ako, nag-pasalamat ako at sabay kaming lumabas sa cabin.

Napansin ko ring naka-pony tail na din pala ako, maluwag iyon pero hindi ko na piniling ayusin dahil alam kong si Vorg ang may gawa non.

"They have carbonara here, wanna try that?" tanong ni Yim

Naka-summer outfit pala siya, nakakahiya naman saaking naka-pajama lang.Naka-shorts siya na may disenyong pang-summer habang naka-white tshirt.

"Palit muna kaya ako ng damit?" tanong ko para maging matino ang itsura ko

"You're beautiful in your own way Aly at saka isa pa, mags-swimsuit ka din naman dito palagi dahil nasa tabing dagat tayo" dahilan niya kaya natatawa akong tumango tango

"Oo nga pala pero swimsuit?Hindi pa ako nakakapagsuot non, nakakahiya" pangatwiran ko

Noon pa man mula pa sa twin cove ay naka-rash guard na ako kaya hindi ako sanay sa swimsuit, tago talaga ang balat ko palagi kapag sa dagat.

Hindi sa natatakot akong mangitim pero may insecurities ako sa katawan, like sa tiyan, ibang small scars ko sa hita na paalis naman na ngayon dahil may treatment ako at hugis ng katawan ko.

"You're a model Aly, bakit ka mahihiya?Maganda ang katawan mo, maganda ka.. kung ano man 'yung past mo forget it okay?" bilin niya habang naglalakad kami sa bridge

"What if they judge me?" am I being too dramatic over a swimsuit o normal lang ito?

"They'll judge you in a good way" nakangiting sabi niya

He even pat my head at saktong huminto na kami sa harap ng bar island, pinaningkitan ko ang menu dahil hindi ako naka-salamin o naka-contact lens manlang.

"Here" nakita kong kumuha siya ng menu na sa papel

"Thank you" sabi ko kaya tumango siya biglang tugon

Tumingin tingin ako sa pagkain at nakuha ng atensyon ko ang ramen na may nilagang itlog at tunaw ang gitna gaya ng gusto ko, wow may ramen dito?

"Ito ang gusto ko" turo ko doon "At ang carbonara na suggestion mo"

Landed In Summertime | Completed ✔Where stories live. Discover now