CHAPTER 57 [ WEDDING ]

50 22 2
                                    

ALYA couldn't believe the gown she's wearing, she was just eating awhile ago tapos ngayon naka-wedding gown na siya.Her friends and even her family refused to talk to her, tanging si Inang lang ang nag-stay at tumulong sakaniya mag-bihis.

Kumakain ng ice cream ang inang niya ngayon habang katabi niya ito at kahawak ang kamay dahil may mga nag-aayos sa mukha at buhok niya.Alas sais na ng gabi.

"I couldn't believe this, ang ganda ko po ngayon" komento niya nang matapos ang lahat

Nakatingin siya sa salamin at umikot pa para damahin ang malaking gown na suot niya, ang maganda pa rito ay komportable ang gown.Hindi siya makati sa loob kung hindi ay soft pa ang tela at malamig sa balat na handa siyang suotin ito hanggang bukas.

"Tara na sa rooftop, Ma'am" aya sakaniya nung make up artist kaya bumaling muna siya sa Inang

"Ikaw Inang?Sama" akmang aayain ni Alya ang Inang nang umiling ito

"Ingat ija, sa ibaba na ako" bago pa siya makapagsalita ay sumama na ito sa isang driver

Umakyat naman sila sa rooftop at bumilis ang pintig ng puso niya nang makakita ng helicopter pero agad din siyang huminga nang malalim matapos maalalang kasal niya ito.

Inisip ni Alya na isa itong experience para sakaniya, maaaring maulit pa ang pagsakay niya sa Helicopter at maaaring hindi na kaya lakas loob na siyang pumasok sa loob.

Tinulungan siyang ayusin ang gown niya saka sila tuluyang lumayo mula sa building na iyon, ipinikit niya ang mga mata at inisip ang itsura ni Vorg mamaya kung saan siya lalapit at mangangako nang panghabang buhay.

Maya maya din ay unti unti na silang lumalapit sa isang malaking kulay beige na kastilyo, hindi siya makapaniwalang diyan siya ikakasal dahil mukha na siyang prinsesa sa isip niya.

Dahan dahang nag-land ang helicopter at may nag-assist nanamang muli sakaniya, walang sawa niya itong pinasalamatan kahit pa sinasabi ng mga ito na hindi na kailangan pa.

"Bale wait mo na lang po bumukas ang pinto then pasok kapag nagplay na ang song" paalala sakaniya

"Thank you" sabi niya sa nagsabi non sakaniya

Nginitian siya nito at unti unti ding lumayo, siya na lang ang natatanging na sa pinto ngayon at mukhang nakapasok na ang mga ring bearers, flower girls at iba pa.Tanging siya na lang ang hinihintay.

Sa kabilang banda naman ay magkatabi na si West at Vorg sa kalagitnaan, ang magkabilang gilid nila ay may malalaking hagdanan.

Unti unting tumugtog ang kantang napili nila na Just the way you are by The Chillest dahil piano version iyon ng kanta ni Bruno Mars.

Dahan dahang bumukas ang malaking pinto at doon nasaksihan ng lahat ang magarbo at malaking gown ni Alya, may nakatakip na veil sa kaniyang mukha pero kitang kita pa rin ni Vorg ang maganda at maamo nitong mukha.

Hindi niya napigilang lumuha kaya hinawakan siya sa balikat nina West at Hash habang na sa kabilang gilid si Ked na nakangisi lang dahil ngayon lang din nila nasaksihang umiyak ang binata.

"Déesse, Séduisante.. Je suis amoureuse" (Goddess, attractive.. i'm in love)

Hindi na din maiwasan ni West na maluha sa nakikita niya ngayon, he never expected such thing dahil akala niya ay tahimik lang ang dalawa pero masaya siyang napunta sa mabuting kamay ang kapatid.

Nakayapos si Alya sa amang si Mox na matagal bago niya nakita, nagulat din si Alya nang sumulpot sa tabi niya ang ina saka siya niyapos.Malayo pa lang ay naluluha na ang dalaga.

Landed In Summertime | Completed ✔Where stories live. Discover now