CHAPTER 34

66 24 0
                                    

ALYARETTE POVENMIRE

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

ALYARETTE POVENMIRE

BINASAG ko naman ang piggy bank ko na siyang para talaga sa isang gitara, i've been preparing for this day after all these years.I'm currently counting all my money at mabuti nalang talaga na hindi ko na-isipang gawing puro barya ang laman non dahil mas mahirap.

Sumakto naman sa 5276 ang ipon ko, may tig-5000 naman sigurong gitara ano?Sana nga at mayroon, balak kong bilhin 'yung wooden guitar dahil simple lang siya.

"Tara na?" aya ni Mateo habang naka-silip sa kuwarto ko

"Tara na"

Tumayo naman ako't sumunod sakaniya, nilakad lang namin ang bilihan dahil may malapit naman diyan sa kabilang kanto.Nang makarating doon ay napansin kona lang ang sarili kong tinitignan ang iba pang mga gitara.

Maraming magaganda at maraming may astig na disenyo ngunit plain lang talaga ang gusto ko para babagay sa kung ano mang susuotin ko mamayang gabi sa party, nilapitan naman kami ng nagba-bantay doon.

"May nakakuha na ba ng atensyon n'yo?" tanong ng matanda

"Wala pa manong eh, puwede i-try 'to?" turo ni Mateo sa isang gitara

"Oo naman, loko ka ay akin 'yan"

Sinenyasan ako ni Mateo na pumili na dahil sa idi-distract n'ya muna 'yung tindero, humanap naman ako ng matinong plain hanggang sa makita ko ang isang wooden guitar na may disenyong waves sa isang dagat.

Nilapitan kopa 'yon at 'yun lang ang natatangi niyang disenyo kaya hindi na ako nag-dalawang isip pa na lumapit kina Mateo para i-paalam na may napili na ako.

"May napili na po ako" sagot ko kaya sabay silang napatayo

Maigi namang binitiwan na ni Mateo ang gitarang kaninang hawak niya at sinabayan kami sa pag-lapit sa gitarang napili kong bilhin.

"Good choice" komento ng tindero at kinuha 'yon

Inilagay niya sa isang black na lalagyan at may note pa doon na Advance Merry Christmas.

"Salamat po" sabi ko nang makapag-bayad kami

"Ingat," naunang lumabas si Mateo kaya naman narinig ko pa ang sinabi ng tindero "Mag-iingat ang gitara"

Kahit pa naguluhan, natawa at natakot ako sa sinabi nito ay hinayaan kona lang saka tuluyang nilisan ang tindahang 'yon.Nag-lakad kami pabalik ni Mateo sa bahay at saktuhan pang sinusundo siya ni ate Janeece.

"Balitaan mo nalang kami" saad ni Mateo habang naka-akbay kay ate Janeece

"Oo, sasabihan ko kayo" nakangiti kong sabi bago sila pinanood na lumayo mula sa bahay

Magugustuhan n'ya kaya 'yung kantang matagal ko nang inaaral?

I could say that everything is awkward, lahat yata ng nandito ay schoolmates ni Vorg.Nakakahiya kumanta pero hindi naman 'to show or something, it was a gift eh.Wala pa akong nakikitang kakilala ko bukod kay Dia na mag-isang nagsi-sigarilyo sa isang tabi.

Landed In Summertime | Completed ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora