CHAPTER 48

50 23 6
                                    

SIDE STORY ; 5

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SIDE STORY ; 5

CEON ADLERON STROME

I DIDN'T GREW up with my mother first.Punong puno ng galit sa walang hiya kong ama ang sumasakop saakin.May kuwentong huli ko nang natuklasan na siyang nag-tulak saakin na mapunta sa maling landas.

Akala ko noon kabit lang si mama at ginusto niya din ang nangyari pero nakilala ko ang nobya ni mama ko, Gavin James Cagara.Ikwinento niya saakin ang lahat-lahat, detalyado at wala siyang iniwan ni isang katiting na detalye.Sobrang sakit, halos mag-pakamatay ako sa araw na 'yon.

Isa si mama sa kaaway ng nanay ni Vorgrain, nalaman 'yon ng ama ni Vorgrain kaya gumanti siya kay mama sa paraang hindi din inakala ni Tito Gavin.Mag-kalaban sila sa business at nang mawala si mama ay lalong yumaman ang pamilyang Strome.

Na-rape si mama ng papa ni Vorgrain at ako ang naging bunga, naabutan ni tito Gavin si mama na walang saplot sa daan at halatang malayo ang nilakad.May mga galos at halos nanlalambot ang katawan, maputla ang labi at madaming pasa.

Maraming nakakita pero pera ang nakapag-patahimik sakanila, walang tumistigo dahil na rin anti-poor ang law ng bansang kinatatayuan namin.Sinubukan ni tito Gavin na lumaban pero natalo lang sila ni mama.

Nang malaman ni mama na buntis siya ay inalagaan siya ni tito Gavin pero matapos niya akong ipanganak ay hindi kinaya ng katawan niya, wala siyang huling sinabi basta't binitiwan niya lang ang palad ni tito Gavin bilang paalam.

Sa araw na 'yon, pareho kaming umiiyak ni tito Gavin.Umiiyak ako dahil bagong panganak, umiiyak siya dahil wala na 'yung nanganak.Lahat ng ari-arian ni mama ay kay tito Gavin niya iniwan dahil mula nang mag-simulang mag-pursige si mama ay iniwan na siya ng lahat maliban kay tito Gavin.

Lahat ng businesses ni mama at hardworks niya ay napunta sa wala dahil lang sa rape na hindi manlang nakuha ang hustisya, sarado na ang kaso nang dahil sa pera.Sinubukang lumaban ni mama pero natalo siya, panalo siya sa business pero talo siya sa hustisya.

Masakit para saakin 'yon kada makikita ko si Dianne at Vorgrain na namumuhay nang marangya, matino at walang ideya sa kagagawan ng ama namin.Matalino si Vorgrain, magaling sa sports, almost perfect at walang pinoproblema kaya grabe ang inggit ko.

Inampon ako ng ama namin bilang miyembro ng pamilya nila mula nang malaman nung asawa niya dahil ayaw nila akong lumaban, gusto din nila akong matahimik pero binubulabog ako lagi ng isip ko.

Mabait saakin si Vorgrain pero hindi si Dianne dahil nasa ugali niya na 'yon, halos i-spoil ako ni Vorgrain sa lahat na tila ba buong kapatid niya.Tuwing may events sa school namin ay lagi niya akong hinahanap hanggang sa gumaan ang loob ko sakaniya.

Naging close kami dahil ang bait niya talaga but West came to the picture, nakilala namin siya at panay ang bunganga niya patungkol sa kapatid niya.Isang araw ay isinama niya ito sa event ng school, nakita ko kung paano titigan ni Alya si Vorgrain na tila ba nasu-surpresa ito sa mukha ni Vorgrain.

Landed In Summertime | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon