CHAPTER 49

56 24 2
                                    

ALYARETTE POVENMIRE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALYARETTE POVENMIRE

MAMAYANG gabi na ang noche buena, nagulat din si papa at kuya nang sabihin kong sasama ako sa pamimili.Malaking handaan ang gusto nila, gaano kalaki?Kasama ang lahat bawat pamilya including the Strome family.. na wala si Vorg.

Napilit ni Dia ang parents niya dahil gusto niya na din kaming magkaayos, sakaniya na mismo nanggaling na walang mangyayari kung patuloy kaming magagalit sa isa't isa.

"Punta lang ako sa comfort room kuya at papa" paalam ko at ini-abot ang basket ko na marami na ding lamang ingredients

"Mag-ingat Rette, bumalik ka din kaagad" paalala ni papa kaya nakangiti akong tumango

Kanina pa talaga ako naiihi dahil sa nagising ako ng alas sais tapos nauuhaw pa ako ayan tumungga ng dalawang bote ng tubig kaya halos sumabog na ang pantog ko.

"Mabuti naman" bulong ko sa sarili nang makitang hindi ganoon kahaba ang pila sa mall

Malaking mall kasi itong pinuntahan namin nina kuya at papa dahil bukod sa pang-noche buena ay kailangan din bumili ng regalo, nasa same mall din sina bebs at iba pang barkada pero halata namang taliwas ang landas namin dahil sa laki ng mall.

Hinubad ko naman ang pang-ibaba kong saplot at mabilis na nag-bawas, para naman akong nakahinga ng maluwag at nakapag-tanggal ng kung anong abala sa katawan matapos kong gawin 'yon.

Nang makapag-ayos ay lumabas na ako para tignan ang sarili sa salamin then my phone did created a sound which means na may notifications doon.

'Kamusta?'

Kumunot ang noo ko dahil sa unknown number iyon, kilala ko ba 'to?Sinubukan kong tawagan ang numero dahil baka relative ito o kung ano pero panay lang ang flood ng word na Error.

Never pa akong nakakita ng ganito sa kahit anong phone na tila ba kalalabas lang ng latest way para mag-produce ng error na word.Ang weird, sobra.

'Vysain Agency from North M.A wants to privately invite you in our industry.Salaries, possible complications and other things will be discussed in a private meeting.

Kindly open the portable document format distributed in your device, you are warned not to spread the document itself for as all of your personal information are included in the file.'

Mensahe nito, ano raw?Vysain Agency?Anong uri naman daw kaya ng agency 'yon?Binuksan ko naman ang file na 'yon at hindi siya nagsi-sinungaling sa parteng nandoon lahat ng personal information ko kagaya nalang ng birth certificate at family members.

I scroll down a bit at doon kona nakita ang main purpose ng invitation maging ang address ng meeting place, surprisingly ay dito mismo sa mall.Hindi kaya scam 'to?Pero paanong magiging scam kung nandito ang impormasyon patungkol saakin?From achievements to diploma.Another message popped up.

Landed In Summertime | Completed ✔Where stories live. Discover now