CHAPTER 40

68 23 5
                                    

ALYARETTE POVENMIRE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALYARETTE POVENMIRE

BUMIYAHE naman ako pauwi sa bahay matapos mag-grocery at sinalubong naman ako ni kuya na siyang may hawak ng kape at naka-sandal sa door frame.

"Kuya" naiilang na tawag ko sakaniya

Mula kasi nang i-kuwento 'yon ni Vorg sakaniya ay nahihiya na ako at naiilang, sino ba namang hindi?Kaibigan n'ya 'yon at almost brother na ang tingin tapos ganoon ang mangyayari, plus wala pang label.

"Halika nga rito" tawag niya kaya nakayuko naman akong lumapit sakaniya

Nagulat ako nang yakapin niya ako nang mahigpit, hindi ko naman siya naiwasang yakapin pabalik dahil sa miss kona din s'ya.

"Na-miss kita kuya" sabi ko naman sa malungkot na tono

Ang tagal n'ya din sa ibang bansa eh akala ko doon na siya forever, mahirap masanay na hindi kasama si kuya dahil once na nag-kita ulit kami ay hindi nanaman ako maka-hiwalay.

"Bakit ha?Sinabi kona sa'yo noon eh na aabot din tayo sa ganitong phase" aniya kaya hindi ko maiwasang mapa-bugtong hininga "Tapos na ang childhood bunso pero bunso pa din kita at kuya mo pa din ako"

"Galit ka ba kuya?" hindi ko naman maiwasang ma-itanong sakaniya

"Saan ako magagalit?" hindi ko alam kung nagma-maang maangan lang siya o hindi niya lang talaga dama

"Sa mga sinabi ni Vorg" sagot ko nalang

"Nung una syempre galit na galit ako pero mas galit kapa yata," sabay naman kaming natawa "Pero bunso nakapag-usap na kami kaya hindi na ako galit, hindi pa rin talaga ma-proseso ng utak ko na graduated kana"

"Hindi ko nga din maisip kuya eh, parang dati lang pinag-uusapan natin nina lola" aksidente ko namang na-brought up si lola

Landed In Summertime | Completed ✔Where stories live. Discover now